Maloi's Point of View
"Hoy, bilisan niyo kaya! Baka pagdating natin doon
wala na tayong abutan!" sigaw ko sa mga
mababagal kong kaibigan.Puro mga nasa classroom pa kasi e manunuod nga
kami ng laban nila Shee at Gwen sa quiz bee ngayon.Moral support ba. Kaya nga shorten period lang kami, e. Pero ewan ko lang kung may abutan pa
kami dahil sobrang bagal ng mga kasama ko."Hindi ba kayo lalabas ng room?! Anong oras na?!"
Napakatatagal!
Ilang sandali lang ay lumabas na si Stacey, Jhoanna at Colet.
"Napakaingay mo. Nakakaistorbo ka ng ibang
klase. Baka nakakalimutan mong fourth year lang
ang maaga ang dismissal," saway sa akin ni Stacey."Paano naman kasi wala na tayong aabutan nito.
Napakababagal niyo.""Maaga pa," sabi ni Jhoanna.
"Anong maaga pa?! 2:30 na! 2:30"
"Alas quatro pa ang simula."
"Hoy, Maloi, makapagreact ka d'yan. Parang napakalayo ng convention. 20 minutes away lang kaya yun. OA nito."
"Stacku naman, e. Hihintayin mo pa bang mag-4 bago ka pumunta du'n. Kung kaya mo nang gawin ngayon, huwag mo nang gawin mamaya. Ngayon na dapat," pangangatwiran ko. Aba hindi pwedeng lagi na lang nagproprocrastinate.
"Iyang bunganga mo walang preno! Alam mo ba
'yung maaga pa? Excited ka masyado!" Ay wala na.
May umepal ng bakulaw hindi naman siya ang kausap."Kinakausap?"
"Oh. Anong tawag d'yan sa ginagawa mo ngayon?"
"Wala kang kwentang kausap! Bahala ka d'yan!"
Tinabig ko siya at akmang pupuntahan sila Aiah at Mikha sa loob ng room. Napakatagal naman kasi
Papasok pa lang ako nang pigilan ako ni Stacey."Nag-aaway pa. Huwag kang istorbo."
Oh? Nag-aaway 'yung dalawa? Pero dahil sa dakilang pasaway ako ay pumasok pa rin ako.
Magkaharap 'yung dalawa at halatang seryosong nag-uusap. Nakakunot ang noo ni Mikha at nakataas naman ang kilay ni Aiah. Hindi ito ang tamang panahon pero... "Mamaya na ang LQ! Late na tayo!" sigaw ko kaya napatingin sila sa akin.
"Hoy, Maloi! Kulit mo. Ano ba," hila sa akin ni Stacey palabas ng room pero hindi ko siya pinansin.
"Bilisan niyo na kasi!"
"Maloi, ang ingay mo! Bigyan mo nga ng privacy
'yang dalawa. Tara na," awat niya pero hindi pa rin ako nagpapatinag."Anong oras na?! Halika na - " Hindi ko na naisigaw ang sasabihin ko nang may umakbay sa akin at tinakpan ang bibig ko gamit ang kamay niya.
"Huwag ngang maingay 'di ba. Napakakulit mo.
Tara na sa parking." Taeng bakulaw 'to. Panira!Bwisit.
Nagpupumiglas ako pero hindi ako makapalag.
Laking tao ba naman kasi nito.
Sinusubukan ko pa rin magsalita pero dahil sa may pumipigil nga sa akin ay hindi naman maintindihan ang mga sinasabi ko. Nakakaloka!
Makawala lang ako dito makakatikim na sa akin ang bakulaw na 'to. Letse talaga siya.
"Huwag ka nga sabing maingay! Hangga't nagsasalita ka, hindi ko tatanggalin 'tong kamay ko! Napakahirap mong kausap!" sigaw ng bakulaw.
Grabe! Nakarating na kami ng parking nakatakip pa rin kamay niya sa akin. Masusuffocate na ako nito ha!
Nang nakita ko na ang sasakyan na gagamitin namin ay nagpumiglas ulit ako. Full force na ngayon kaya nakawala na rin ako sa wakas.