Gwen's Point of View
"J-jhoanna??" Nagtatakang tawag ni Maloi kay Jho.
Napahinto naman sa pagtatawanan ang dalawa at napatingin sa direksyon namin. Mukhang nagulat si Jho na makita kami samantalang si Stacey ay lumaki ang ngiti.
"Oh, hi! Nandyan na pala kayo. Ang aga niyo naman. And you even brought them here. Naglunch na ba kayo? We cooked food. Maramirami rin 'to," sabi niya at tumayo sa kinauupuan niya para ayusin ang lamesa para sa amin.
Nang hindi kami sumagot ay natigilan siya at lumingon ulit sa amin. "What's wrong with you?
Mukha kayong mga ewan dyan. Nakatayo lang kayo. Umupo na kaya kayo dito. Ayos lang ba kayo?"
Nagkatinginan naman kaming anim. Kaming tatlong mag kakaibigan ay pareparehas nagtatakang umupo samantalang 'yung tatlong babee ay nag-offer ng tulong kay Stacey.Pagkatapos nilang maghain ay umupo na rin sila at nagsimula nang kumain except kay Stacey at Jho na tapos na.
"What did I missed guys?" tanong ulit ni Stacey at pambabasag na rin ng katahimikan.
"Si Shee and Gwen isinali sa quiz bee para sa buong region," sagot ni Aiah.
"Talaga? Wow! Congrats! And goodluck na rin.
Alam ko namang kaya niyo yan."Thanks,"sabay na sagot namin ni Sheena.
Nagulat na lang kami ng biglang tumayo si Maloi at pumadyak padyak, "Ayoko na! Ayoko na talaga!"
"Ganu'n na ba kasama lasa ng niluto namin ni Jhoanna?" tanong ni Stacey saka kinuha ang malinis na kutsyarang katabi niya at saka 'yun pinangtikim.
"Ayos naman ha."
"Hindi naman 'yung pagkain ang sinasabi ko, Stacey.
Masarap ang luto niyo.""Eh ano? Bakit ka sumisigaw d'yan na ayaw mo na?"
"Kasi naman parang walang nangyari," gulo pa ni
Maloi ng buhok niya. "Naku-curious na ako. Ikaw!" sabay turo niya kay Jhoanna. "Bakit ka ba nandito?"Nagtaka naman si Jho sa tanong ni Maloi at kumunot ang noo, "Bakit? Anong masama? Hindi ba ako pwede dito?"
"Hindi 'yun! Bakit ka nandito?!"
"Inulit mo lang 'yung sinabi mo."
Magsasalita pa sana ulit si Maloi kaya lang ay siningitan na siya ni Sheena, "Wait lang Maloi." Itinapat niya ang kamay niya sa mukha ni Maloi at lumingon kay Jho, "Actually kanina pa kami nangangati magtanong kung bakit ka nandito si Jhoanna.
Umalis ka kanina sa school ng walang sinasabi tapos dadatnan ka na lang namin dito sa bahay na nakikipagtawanan kay Stacey."
"Ah. Ayun ba? Wala lang." Nagkamot naman ako ng ulo at sumabat, "Hindi ka pumasok kasi wala lang? Iniwan mo kami kasi wala lang?"
"Kung batukan kaya kita dyan Jho." Singit naman ni Mikha.
"At bakit mo naman ako babatukan?!" pasigaw na tanong niya.
Nagkibit balikat si Mikha, "Kasi wala lang."
Ano ba 'yan? Word of the day na 'yang 'Wala lang' na 'yan.
Tumayo naman ulit si Maloi at nang-agaw na naman ng eksena kaya napatingin ulit kami sa kanya, "Hoy
Jhoanna! Paano ka nga pala nakapunta dito?!""Nagdrive?"
"Hindi 'yan! Huwag mo kong pilosopohin. Paano mo nalaman kung saan kami nakatira? Never ka pa naman napunta dito ha! At hindi namin binigay ang address namin sa inyo."
Oo nga, ano?! Paano nga pala napunta dito si Jho?
Paano niya nalaman ang address nila Stacey? Hindi kaya stalker 'tong si Jho?!"Pare, stalk- "
Pinutol naman niya ang sasabihin ko at sumagot na hindi pa man din tapos ang tanong. "Hindi ako stalker. Nagkataon lang na nalaman ko ang bahay nila kasi hinatid ko siya dito kagabi."
Sa sagot niya ay bigla namang nasamid si Aiah,
"Wait, what? Hinatid mo siya kagabi?!""Ano ba 'to? Hot seat? Napadpad lang ako sa bahay niyo kung anu-ano na tinatanong niyo. Kung ayaw niyong nandito ako sabihin niyo na lang. Hindi
'yung tinatadtad niyo ako ng mga tanong niyong hindi ko naman maintindihan."Akmang tatayo na si Jho sa upuan niya para siguro lumabas pero hindi siya natuloy kasi binatukan siva ni Stacey.
"Huwag kang maarte dyan. Upo," sabay irap niya kay Jho. "Kayo naman," turo niya sa amin. "Ang dami niyo ngang tanong. Paano niya nalaman ang bahay namin? Kasi hinatid niya ako kagabi. Bakit niya ako hinatid? Kasi napakalakas ng ulan kahapon at hindi ako makauwi. Bakit hindi ako tumawag sa mga kaibigan ko para magpasundo?
Kasi wala sa akin ang phone ko. Bakit sa kanya pa ako sumabay? Kasi wala ng tao sa school that time.
Bakit late din siya umuwi? Kasi dumaan siya sa mommy niya na principal ng school." Pumikit siya sandali at huminga ng malalim saka nagsalita ulit,
"May tanong pa kayo?" sarkastiko niyang tanong.Nastaas naman ng kamay si Maloi, "Seriously, Maloi?"
"What? Eh sa may tanong pa naman talaga ako."
Napailing na lang kami sa kanya. sa hinaba haba ng sinasabi ng Stacey, wala na akong maisip na pwede pang itanong tapos itong si Maloi... hay.
Tumingin siya kay Jho, "Bakit ka andito?"
"Pangtlong beses mo ng tinatanong 'yan."
"Try mo kasing sagutin. Wala lang is not considered as an answer. So bakit nga?"
Napalingon naman kaming lahat kay Jho nu'n. Oo nga naman. Ayun pala talaga dapat ang itanong namin. Buti likas na chismosa si Maloi at hindi pinalagpas ang tanong na 'yun.
Napabuntong hininga naman si Jho
"Kasi..."
"Kasi?" tanong pa ni Shee.
"Kasi nakokonsensya ako. Alam ko na ngang nilalamig at naulanan siya kahapon tapos tinodo ko pa rin 'yung aircon ng sasakyan. Nalaman ko pa na nagkasakit siya at wala siyang kasama sa bahay.
Baka kako isang reason 'yung ginawa ko kung bakit siya nagkasakit. Kahit sino naman siguro makokonsensya 'di ba?"Sabagay, may punto siya. Tama nga naman. Kahit ako man 'yun makokonsensya. Pasaway din naman kasi 'tong si Jho. Bakit tinodo pa ang aircon eh naulanan na nga 'yung tao. Tsk tsk.
Bigla namang umubo ng malakas si Colet. Nasamid ata. Paano naman kasi kain pa rin ng kain habang nakikinig. Kasibaan naman kasi.
"Anong nangyari sayo? Bakit ka umuubo?" tanong ni Sheena sa kanya.
Uminom siya sandali ng tubig at nginitian kami.
"Kasi wala lang."