Chapter 39: Too Late

1.2K 39 1
                                    

Sheena's Point of View

Nang marinig ko ang mga sinabing 'yun ni Gwen, hindi ko alam pero pakiramdam ko may mali. Siguro kasi hindi ganun 'yung inaasahan kong mangyayari.

Hindi 'yung bigla na lang syang lalapit sa akin at sasabihing ako pala ang matagal na niyang gustong makita.

Nakarating kami sa bahay nang hindi ako umimik.

Tinanong nila ako pero hindi ko sila sinagot.

Natapos ang isang buong gabi na wala akong naisip na matino. Lutang ang diwa ko.

Kinaumagahan nagising ako at agad na nag-ayos para sa school. Inabutan kong nag-aayos na 'yung tatlo ng breakfast nang lingunin ako ni Aiah at inayang kumain.

Tahimik lang kaming kumakain. Feeling ko tuloy
nadadamay sila sa kaartehan ko. Bakit ba kasi ganito ang nagiging reaksyon ko? Nakakainis.

Nang matapos ay niligpit na rin namin yung pinagkainan namin at lumabas na ng bahay.

Aalis na sana kami nang may bumusina kaya napatingin kaming apat sa gate. Si Mikha.

Malamang susunduin si Aiah.

"Susunduin ko lang kaibigan niyo," sabi niya habang
papalapit kay Aiah.

"Sige lang. Ayan na. Iyo na," biro ni Stacey.

"Akin naman na talaga 'to." sagot naman ni Mikha sa kanya. Kinurot naman siya ni Aiah sa tagiliran at umalis na rin.

Kaming tatlo naman ay tahimik lang sa byahe papuntang school. At nang makarating ay dumiretsyo na agad sa room bago pa kami malate.

Nasa tapat na kami ng room nang biglang tumunog ang bell. Papasok na sana ako nang makasabay namin sila Gwen at Jhoanna.

"Good morning!" bati sa kanila ni Maloi at nagsipasok na ng room. Papasok na rin sana ako kaya lang may pumigil sa akin. Si Gwen.

"Teka lang." Napatingin ako sa kamay niyang nakahawak sa braso ko. "Kagabi? Bakit -"

"Ms. Sheena and Ms. Gwen, nagbell na. Bakit nasa labas pa kayo?" suway naman sa amin ng teacher.

"Sorry po, ma'am," sabi ko at nakayukong pumasok sa room.

***

Mabilis lang natapos ang dalawang period namin kaya break na rin agad.

Naglalakad lang kaming apat papuntang canteen ng
sabayan kami ng apat na babae. Lumapit si Mikha kay Aiah at nauna na silang maglakad habang si Colet, Stacey, Jhoanna at Maloi ang magkakasabay na nagkwekwentuhan habang naglalakad. Naiwan ako sa likod. Napatingin ako kay Gwen at nagtagpo 'yung tingin namin kaya agad ko rin iniwas yung tingin ko. Lalakad na sana ulit ako nang pigilan niya ako.

"'Sandali lang," tawag niya.

Not now, please.

Humarap ako sa kanya.

"A-ano... gutom na kasi ako. Kain muna ko," sabi ko at iniwan siya doon na mag-isa.

Binilisan ko ang lakad ko para masigurong hindi niya ko aabutan.

Bakit ba ako nagkakaganito? Hindi pwedeng iwas na lang ako sa kanya palagi. Kaya lang sa ngayon sadyang naguguluhan pa rin ako.

Natapos ang break or should I say na natapos ang buong araw na iniiwasan ko lang si Gwen.

Nakakahalata na rin siguro ang iba. Paano, dati, kami ang palaging magkasama tapos ngayon iniiwasan ko na siya.

Pag-uwi ay agad akong nagpunta sa C.R.. naghilamos at humarap sa salamin. "Ano bang problema mo, Sheena? Umayos ka nga. May mga nadadamay pa sa pag-iwas mo. Umayos ka, Sheena."

Teen Clash Where stories live. Discover now