Chapter 47: Mall

1K 36 1
                                    

Maloi's  Point of View

"Isa? Dalawa? Tatlo? Apat? Lima? Anim? Pito? Ugh!" reklamo ko at nagpagulong gulong sa kama ko. Ilang sandali lang ay humiga ulit ako nang mayos at tumitig sa kisame.

Tinaas ko ang kamay ko at nagbilang. "Ilang araw ko na ba iniwasan 'yun?" sabi ko sa sarili ko.

"Eight. Eight days, Maloi." Agad akong sa kinahihigaan ko at tumingin sa may pintuan ng kwarto ko.

Nakatayo at nakasandal si Stacey at Aiah doon. Para silang ewan na nakatingin at nakangisi sa akin. Lumapit din sila at umupo sa kama at pinaggitnaan ako.

Nagbilang si AIAH, gamit ang daliri niya, "One, two, three, four, five, six, seven and eight. Ayun. Sakto. Tama. Eight days na nga."

"I told you." Nagtawanan pa ang dalawa at nag-apir.

Problema ng mga 'to?

"Bakit ba kayo nandito?" taas kilay kong tanong sa kanila.

"Taray. Pero trip lang namin. Bakit mo nga pala binibilang kung ilang araw mo na iniwasan si Colet?" taas babang kilay tanong ni Aiah.

"Ha? Hindi kaya. Kayo talaga mga mapaggawa ng kwento. Huwag ganu'n. Bad - "Natigil ang sasabihin ko nang batukan ako ni Stacey. "Aray! Para saan 'yun?!"

"Lulusot ka pa kasi e huling huli ka na. Huwag ka na magdahilan. Ikaw naman kasi, Aiah, mali naman kasi tanong mo e," sabi pa ni Stacey.

"Bakit? Paano ba dapat?"

"Hindi naman kasi yun ang tanong. Ang tanong dyan, bakit mo iniwasan si Colet?" Napatango naman si Aiah sa sinabi ni Stacey.

Tumayo ako akmang lalabas ng kwarto. "Narinig niyo 'yun? Tinatawag ata ako ni Shee. Puntahan ko - " Hinila pababa nila akong dalawa kaya napaupo ulit ako sa kama.

"Wala si Shee. Kasama niya si Gwen ngayon."

"Ah, ganun ba? Sumama na lang din kayo kay Mikha at Jho para hindi ako ang pineperwisyo niyo dito," sagot ko sa kanila kaya sinamaan naman nila ako ng tingin. Sila pa ba galit, ako na nga itong ginugulo nila. Hay, buhay!

"Umiiwas ka ba kay Colet kase may nararamdaman ka na sa kanya?" diretsyong tanong ni Aiah.

Umatras ang dila ko at hindi ko nagawang sabihin ang mga gusto kong sabihin.

"Silence means yes," dustong pa niya.

Ha. Hindi lahat ng silence ibig sabihin yes. Minsan kasi sadyang hindi mo lang alam ang dapat at gusto mong sabihin kaya hindi mo nagagawang magsalita agad.

Bumuntong hininga naman si Stacey dahil hindi ako sumasagot. "Hay, Maloi. Masyado ka kasing in denial. Sabagay ganyan naman talaga siguro 'yung iba. 'Yung tipong may gusto na pero hindi pa rin nila alam."

"Ilang beses ko ba dapat ulit-ulitin na hindi ko nga gusto si Colet?!"

"Sige lang, Maloi. Deny lang. Bakit ba kasi hindi mo matanggap na may gusto ka na sa kanya?" tanong ni Aiah.

"Kasi nga wala talaga. Bakit nyo ba pinipilit?!" sigaw ko sa kanya.

Tumunog naman bigla ang phone niya kaya tiningnan niya ako sandali at saka 'yun sinagot.

"Hello?" sagot nya dito. "Bakit? Saan pupunta?" Pupusta ako na si Mikha ang kausap nito. "Ah. Sige. Punta na ko. Bye," binaba na niya ang phone at tumingin sa amin ni
Staku.

"Si Mikha. Alis muna raw kami," paalam niya. Tumango naman kami ni Stacey. "Maloi, hindi pa tayo tapos. Pagbalik ko"Aiah!" sigaw ko sa kanya. Tumawa lang siya at lumabas na. Nilingon ko naman si Staku na humiga na sa kama ko at nakaspread pa ang kamay. "Wala ka pang balak lumabas?" pagpaparinig ko sa kanya.

Teen Clash Where stories live. Discover now