Stacey's Point of View
Nagbago na ang plano namin. Instead na magpart-time job, nagdecide na lang kami na magfocus para sa contest. We'll take the risk. Kung magtratrabaho kasi kami baka mababa lang ang makuha naming sahod since highschool student pa lang kami. At saka pahirapan pa sa paghahanap ng trabaho.
Sa contest naman kasi, may four divisions du'n. At ang winning prize para sa champion per division ay 50,000php. Para naman sa second placer ay
40,000php at 30,000php naman para sa third placer. Alam naming walang kasiguraduhan 'tong pagsali namin pero dahil sa laki ng premyo, na talaga namang kailangan namin para maisalba ang
No Name, dapat lang siguro kaming magrisk."Kailan ba tayo magsa-sign up?" tanong ni Maloi.
Nasa bahay lang kami ngayon at nagmomovie marathon.
"Ewan. Wala naman kasi 'yung apat kaya hindi pa natin mapag-usapan ng mayos kung paano ang magiging hatian per division," sagot ni Sheena habang kumakain ng binake naming cookies.
"Eh 'di papuntahin natin dito."
Sakto namang pagsabi ni Maloi nu'n ay biglang tumunog ang doorbell. Nagkatinginan kaming apat.
"May bisita ba kayo?" Umiling lang sila at tumayo na si Maloi para tingnan kung sino man ang nagdoorbell.
Nagulat na lang kami ng tuloy tuloy na pumasok si
Colet at binuksan ang aircon sa sala pagkatapos ay humiga sa sofa. But na lang sa lapag kami nakaupo.
Kung sakali pala nadaganan na kami ni Colet."Aba, aba! Bahay mo 'to? Makahiga ka dyan. At kung makabukas lang ng aircon... Ikaw ba nagbabayad ng kuryente?" sabi ko sa kanya.
Nasobrahan sa pagka "feel at home"."Hindi rin naman ikaw ang nagbabayad. Parents nivo 'di ba?" Tiningnan ko lang siya ng masama.
Baka gusto niyang mapalabas ng bahay. "Sorry na.
Pera Stacey, parang awa mo na, hayaan mo muna akom please. Sobrang init sa labas," dagdag pa niya at umayos ng higa saka pumikit.Itatanong ko pa sana kung ano ang nangyari sa kanya pero may pumasok na naman sa bahay. Si Jho, Mikha at Gwen. Mga pawis na pawis din.
Umupo lang sila sa sofa at sinandal ang mga ulo nila.
Naawa naman ako sa mga itsura nila kaya kumuha na ako ng tubig at ibingay ko sa kanila."Anong nangyari sa inyo? Bakit ganyan mga itsura niyo?" tanong ni Aiah sabay abot ng bimpo kay Mikha . Hmm. Pansin ko lang lately nagging close na 'yung dalawa.
Kinuha naman ni Mikha ang bimpo at nagpunas ng pawis. "Paano naman kasi napaewan ni Colet at nag-ayang magcommute papunta dito. Tanghaling tapat. Napakainit tapos ang tagal bago kami nakasakay. Nang makasakay naman kami panay hinto ang jeep."
"Lakas ng trip," pitik ni Aiah kay Colet. "Bakit nga pala kayo naligaw?"
"Aayain lang namin kayong magregister sa contest sa bayan."
"Talaga? Tara na," singit ni Maloi sa usapan nila Aiah at tumayo na sa kinauupuan niya para siguro magpalit ng damit. Natigilan nga lang siya nang magsalita si Colet.
"Pwede bang huwag kang excited? Kitang nagpapahinga pa kami." Inirapan naman ni Maloi si
Colet pero bumalik din sa pwesto niya.Nang makapagpahinga na ang apat ay nagpunta na kaming bayan.
Para sa isang performance, si Gwen ang pinanglaban namin. Sa isa naman ay si Maloi. Merong duet at si Aiah at si Mikha at para naman sa group ay ako, si Sheena, Colet at Jhoanna. Kami na ang desperado para salihan ang lahat ng divisions.
"Tamang tama pala pagpapasign up natin. Last day na ngayon," bungad sa amin ni Gwen. Sila kasi ni Shee ang nag-ayos at naghintay lang kami.
"Gusto niyo bang maglakwatsya muna? Maaga pa naman.