Jhoanna's Point of View
Palabas na ko ng bahay nang pigilan ako ni Ate Cass, "Hoy lalake! Saan ang punta mo?"
"Kila Stacey."
"Talaga?! Bati na kayo nila Stacey?! Kailan pa?! Paano nangyari?!" sunod sunod na tanong niya.
Sandali nga! Bakit ko ba nasabi 'yun? Hindi panga pala alam ni ate na bati na kami ng girls. Baka kasi sabihin pa nya kay Manager Ling. Pagnalaman pa nila 'yung dahilan kung bakit kami nagkabati, baka masira pa plano naming pagtulong sa kanya.
"Ha? Sinabi ko bang Stacey?" pagmamaang-maangan ko.
"Oo kaya. Rinig na rinig ko. Sabi mo... kila Stacey." Sinubukan niya pang gayahin ang boses ko.
"Wala akong sinabing, Stacey. Sabi ko... Joey. Oo. Joey ang sinabi ko."
"Huh? Joey? May kaibigan ka bang Joey?" Napakachismosa naman nitong si ate. Tsk.
"Meron."
"Bakit parang hindi pa siya nagpupunta dito?"
Bigla namang sumulpot sa pagitan namin si Dencty at tinusok ang pingi ni ate. "Chismosa mo lang, ate. Dapat nagpulis ka na lang, e. Dami mong tanong.""Nagtatanong lang naman. Bahala nga kayo dyan," sabay walk out niya.
Nang makalayo na si Ate Cass ay nakipag-apir ako kay Dencty, "Nice."
"You owe me one, ate. Nga pala, anong gagawin mo kila Ate Stacey? Practice again?" tanong niya.
"Oo. Alis na ko. Huwag kang dadaldal kay Ate Cass, ha. Baka umabot pa kay Manager 'yan. Bye!" paalam ko sabay gulo sa buhok niya.
Lalabas na sana ako nan hilahin niya ang braso ko.
"O? Bakit na naman? Aalis na sabi ako."
"Sama ako," pagpapacute pa niya.
"No. Dito ka lang."
"Please? Miss ko na sila Ate Stacey. Makikipagkwentuhan lang ako."
"Hindi pwede, Den. Magprapractice kami. We need to focus. At saka miss miss ka dyan. One week pa lang ata kayo hindi nagkikita tapos miss mo na agad?"
"Sus. Ikaw nga if I know namimiss mo rin agad si Ate Stacey kahit isang araw pa lang kayo hindi nagkikita. Kaya nga alis na alis ka na."
Ano bang sinasabi nito? Sino bang matinong tao ang makakamiss agad sa isang tao kung one day pa lang sila hindi nagkikita? Tsk.
"Uy, jinojoke lang kita. Huwag kang mamula nang ganyan," tawa pa niya.
Hindi ko na lang siya pinansin at nagpatuloy na.
Hindi pa ako nakakalayo nang narinig ko ang sigaw niya. "Ate! Sabihin mo sabi ko I miss you! Ako nagsabi! Sabihin mo 'yan! Kapag hindi mo sinabi pupunuin ko ng stickers na Perry the Platypus ang kwarto mo!"
Hay. Kapatid ko ba talaga 'yan? Bakit ang ingay nila?
Ampon lang kaya ako?Bago magpunta kilay 'Stacey ay dinaanan ko muna ang tatlo.
Nauna akong dumaan kila Mikha.
"Hey!" bati niya sa akin at sumakay sa may shot gun seat.
"You set it again, my heart's in motion. Every word feels like a shooting star. I'm at the edge of my emotion, watching the shadows burning in the dark. And I'm in love. And I'm terrified for the first time and the last time in my only life."
Kanta siya nang kanta. Paulit ulit niyang kinakanta ang lines na 'yun. Five times? Six times? Seven times? Eight times?
"Tumahimik ka na nga."