Maloi's Point of View
"Totoo naman di ba? Mahal mo rin naman ako 'diba, Maloi?"
Napalunok ako. Anong sasabihin ko? Pero sandali nga... mahal mo rin?! Rin?! As in rin?!
"She overheard us awhile ago," bulong sa akin ni Stacey. Kaya pala. Narinig niya. Nakakahiya!
Nagtaas ako ng kamay. "Ma'am?"
"Yes, Ms. Recalde?"
"C.R. lang po ako," paalam ko at tumakbo palabas ng room. Narinig ko pa ang tawag nila sa akin pero hindi ko na sila pinansin.
Ang bilis ng tibok ng puso ko. Narinig niya ako kanina.
Alam niyang mahal ko siya. Nakakahiya.
Napahinto ako sa pagtakbo nang may humawak sa braso ko at hinarap ako sa kanya kung sino man sya.
"Ano - " Naputol ako sa sasabihin ko nang makita ko kung sino ang nasa harap ko.
"Bakit ka ba tumakbo? Lagi ka na lang bang ganyan?
Tatakbuhan ako? Idadahilan na magc-C.R. kahit hindi naman?!""A-ano... kasi-"
"Maloi naman! Umayos ka naman, please." Nanatili lang akong nakatingin sa kanya. "Narinig ko kayo kanina ni Stacey. Hindi ko naman sinasadya... pero... totoo ba 'yung sinabi mo?"
"A-alin?" Ugh! Ang tanga lang. Bakit ko ba tinanong pa 'yun? Gumagawa ka lang ng kahihiyan, Maloi.
"Na mahal mo ko."
Hindi, Maloi. Hindi ka aamin. Deny. Deny.
"Ha? Sinabi ko ba 'yun? Parang hindi ko maalala?"
Nakita kong nalungkot ang itsura nya. Nakaramdam tuloy ako ng guilt."Hindi mo ako mahal?" Hindi ko siya sinagot. Kasi ano ang isasagot?!
Hanggang sa tumawa siya pero halatang pilit. "Asa pa nga naman ako 'di ba? You hate me. Paano nga namang mamahalin mo ako? Sorry kung nag-assume ako. Akala ko kasi parehas lang tayo ng nararamdaman. I guess I was wrong."
Napakagat na lang ako sa labi ko. Nakikita ko kasing mukang nasasaktan siya.
"Ito na rin naman ako, aamin na ko. Mahal kita, Maloi.Nakakatawa 'di ba? I fell in love with my enemy."
"Colet -"
"Sige, Maloi. Okay lang naman. Gusto ko lang malaman mong mahal kita. Malaman mo lang ayos na ako. Hindi rin naman ako naghihintay ng kapalit. Hayaan mo lang akong mahalin ka ayos na."
Pagkasabi niya nu'n ay nginitian niya ako. Ngiting may halong lungkot at tumalikod.
Hala. Anong gagawin ko?!
"Colet!" sigaw ko pero hindi niya ako nilingon.
"Colet!"
Aba. Ayaw mo talaga, ha? Hinubad ko 'yung isang sapatos ko at binato sa kanya. Bull's eye. Sakto sa ulo.
Napahawak siya sa ulo niya at humarap sa akin.
"Aray naman, Maloi. Masakit na nga 'yung puso ko pati ba naman 'yung ulo ko sinaktan mo pa. Ganyan ka ba talaga kagalit sa akin?" reklamo niya habang lumalapit sa akin
"Do you really loathed me that much? Pakiramdam ko nagkabukol na ko. Alam mo kahit napakasadista mo ewan ko ba kung bakit mahal pa rin kita. Kahit na binato mo pa ako ng sapatos walang magbabago sa nararamdaman ko para sa 'yo. Kahit isang buong shoe shop pa ang ibato mo sa akin, hindi yan makakaapekto sa nararamdaman ko sa 'yo. Kasi nga-" Natahimik siya nang takpan ko 'yung bibig niya.
"Alam mo napakaingay mo. Napakadrama mo. Pwede bang magsalita?" Tumango naman siya.
"Wala naman ako sinabing hindi totoo 'yung sinabi mo kanina. Todo emote ka pa d'yan. Ang arte arte mo pa. Mahal din naman kita."