Sheena's Point of View
Sabay kaming nagpunta ni Maloi sa school dahil nauna na si Aiah at Stacey. Habang nasa byahe ay napag-usapan namin ni Maloi ang kakaibang aura ngayon ni Aiah.
"Wala ka bang napapansin kay Aiah?"
"Meron. Ang tamlay niya ngayon," sagot ko habang nakatingin pa rin sa daan.
"Oo nga. Dati kasi nagtataray lang siya pero ngayon parang ang lungkot lungkot niya.
"Baka naiisip na naman si Jeremy."
"Hay. Hindi pa talaga siya nakakamove on." Pailing iling na sabi ni Maloi.
"Sana maging masaya na siya at hindi na matakot magmahal ulit.. Sayang ang ganda ni Aiah."
"Hindi naman ginusto ni Jeremy mamatay. Sananga matuto ulit siyang magmahal. At sana rin bumalik na siya sa mataray na Aiah. Hindi ako sanay na hindi siya gaanong nagtataray at sobrang tamlay."
"Sana nga. Pero babalik din 'yan sa dati. Kita mo nga si Stacey noong Thursday parang wala sa katinuan, pero ngayon balik na sa pagkahyper."
Natawa naman si Maloi sa sinabi ko.
Pero ano nga kaya ang nangyari kay Staku last Thursday? Para siyang wan that time.
***
Flashback..
Nasa may parking lot na kami ni Maloi at hinihintay lang si Stacey para sabay sabay na kami pumunta sa No Name. Nagpaiwan na kasi si Aiah
"Ang bagal talaga ni Stacey," reklamo ni Maloi habang nakasandal sa kotse.
Nakita ko naman na siya sa 'di kalayuan na naglalakad na papunta sa kinatatayuan namin.
"Ayan na," turo ko sa direksyon ni Stacey.
Kaya lang sobrang bagal ng lakad niya at nakayuko pa siya habang naglalakad. Nainip na kami ni Maloi kava lumapit na kami sa kanya at tumabi sa gilid niya. Pero nagpatuloy pa rin siya sa paglalakad na para bang hindi kami nakita.
Bumubulong bulong pa.
"Uy, Staku," kalabit sa kanya ni Maloi pero wala pa rin hinto sa paglakad si Staku.
"Stacey, okay ka lang ba?" tanong ko naman.
Deadma pa rin siya at bulong lang nang bulong.Medyo lumalakas na 'yung pagsasalita niya kaya narinig na namin kahit papaano ang sinasabi niya.
"Wala na. First pati second wala na. Sa kanya pa napunta. Wala na." Ayan lang ang paulit-ulit niyang sinasabi. Tumingin naman ako kay Maloi at nagbilang gamit ang daliri ko.
1...
2...
3..."Stacey!" sabay na sigaw namin ni Maloi sa magkabilang tenga ni Stacey kaya napahinto na siya.
"Ay, Stacey! Bakit?!" gulat na sigaw niya.
Pinagtawanan namin siya ni Maloi at nang mahimasmasan ay nagawa na ulit naming magsalita.
"Bumalik ka na rin sa katinuan. Ano ba 'yung sinasabi mong wala na? 'Yung first at second?"
Nanglaki ang mata niya at umiling, "Wala! Tara na. Kailangan na tayo sa No Name. Bilisan niyo."
Tumalikod siya at naglakad na ulit sa may left side namin. Hindi naman kami gumalaw ni Maloi.
Nagkatingnan lang kaming dalawa habang parehas na nakakunot ang noo at tumingin kay Stacey.
Lumingon naman ulit siya sa amin ni Maloi, "Ano bang hinihintay niyong dalawa? Tara na!"
"Sure ka bang okay ka lang?" Paninigurado ko.