Chapter 28: Piggyback Ride

1.3K 39 3
                                    

Colet's Point of View

"Good game, Colet," bati sa akin ni coach habang ang mga teammates ko ay nakipag-apir naman sa akin. Kakatapos lang ng practice namin sa basketball.

Naligo ako at nagpalit ng damit saka dumiretsyo sa room ng dance club. May practice kasi kami para sa contest ngayon at dito ang usapan namin kung saan magkikita kita.

Nagsasayaw pa sila nang makarating ako.

Sumandal muna ako sa may pinto at pinanood sila.
Hmm. Not bad. Magagaling naman palang magsayaw 'tong mga 'to.

Nang makita ako ni Mikha at Aiah ay lumapit sila sa akin.

"Kanina ka pa?" tanong ni Mikha habang nagpupunas pa ng pawis.

"Hindi naman."

"Saglit na lang Colet. Tinuturuan pa kasi si Malou ng steps niya," sabi ni Aiah.

Kahit kailan talaga pa-espesyal 'yang si Maloi. Tsk.

"Yo! Tapos na ba kayo mga people?" sulpot ni Stacey habang patalon talon na lumalapit sa amin. Hyper as always. Nakasunod naman sa kanya si Jho. Oo nga pala. Magkaclub nga pala sila.

"Yup. Si Maloi na lang," sagot ni Aiah.

"Si Gwen at Sheena pa."

"I-try daw nilang humabol. Nagrereview sila ngayon. Next week na kasi 'yung quiz bee."

"Wait lang, guys. Mag-aayos lang kami doon. Tara, Aiah," sabi ni Mika sabay hila sa kamay ni Aiah. Psh.

Hindi naman kalayuan ang pupuntahan naghoholding hands pa.

Umupo naman kaming tatlo sa sahig at nanood lang sa pagsasayaw ni Maloi. Hindi naman matatanggi na magaling siyang sumayaw pero syempre anong pakialam ko. Basta para sa akin ay makulit at mataray siya.

"Galing magsayaw, ano?" siko sa akin ni Stacey. Hindi ko na lang siya pinansin. Nasisiraan na naman ng bait 'to. Lagi akong tinutukso kay Maloi. Asa naman siya. "Suplado naman. Padeadma deadma pa. Alam mo kasi Colet -"

"Nako, Stacey. Tutuksuhin mo na naman ako d'yan sa kaibigan mo. Kita mong lagi kaming nag-aaway kaya imposible 'yang inisip mo. In your dreams."

"Malay mo naman kasi. The more you hate, the more -"

"Magtigil ka, Stacey. Bakit ba kasi hindi na lang si Jho 'yang asikasuhin mo? Matutuwa pa yan," biro ko sa kanya pero obviously hindi niya narinig.

"Oh no, Maloi!" sigaw ni Stacey kasi biglang natumba si Maloi habang nagsasayaw.

Napatayo naman kami sa sigaw niyang 'yun.

Nilapitan ako ni Jho at binatukan. Sinamaan niya ako ng tingin, "Magdaldal ka pa malalagot ka na."

Okay, hindi na nga. Mukhang galit na si Jho. Ayoko na. Nakakatakot magalit 'to.

"Ma'am, uuwi na po si Maloi?" dinig ko namang tanong ni Stacey sa dance club moderator. Nandoon na pala siya katabi ni Maloi pati si Mikha at Aiah.

"Yes, pauwiin niyo na siya. Baka mamaga pa ang paa niya. Namali kasi ata ang bagsak. Pacheck up niyo na rin para sure." Bakit kaya hindi siya ang nagpacheck up since sya 'yung teacher? Tamad naman nito.

Tumango naman si Stacey sa kanya, "Hoy, Colet! Tara dito."

Tinuro ko muna sarili ko, "Ako?"

"Malamang. Sino pa ba ang Colet dito?"

"Bakit ba kasi?" tanong ko nang makalapit na.

"Alalayan mo si Maloi."

"Bakit ako? Ikaw na lang. O kaya si Aiah."

Teen Clash Where stories live. Discover now