Chapter 45: Phone call

1.2K 39 1
                                    

Stacey's Point of View

Binantayan ako ni Jhoanna nang maiuwi na niga ako sa amin.

Nakatulog na ako at lahat pero nandito pa rin siya at binabantayan ako.

"Hindi ka pa uwi?" tanong ko sa kanya.

Nasa may sala kami at nanunuod lang. Sinat na lang ang meron ako kaya kayang kaya ko na 'to. Ganu'n naman ako kapag nagkakalagnat e. Nawawala rin agad.

"Maya na. Wala pa rin naman sila. Wala kang kasama." sagot niya habang nakatingin pa rin sa TV.

"Thank you."

Napalingon naman sya sa akin at tiningnan ako.

"Para saan?"

"Kasi nag-aalala ka sa akin." Tinitigan niya ko maya maya ay ngumiti. Ayan na naman. Ayan na naman ang ngiting 'yan. Huwag naman siya masyadong ngumiti. Nasisilaw ako.

"Bakit ka ngumingiti dyan?" tanong ko sa kanya.

"Wala. Kasi ikaw. Natutuwa lang ako sa 'yo," bola naman nito. Pero effective. "E ikaw bakit ngumingiti ka dyan?"

Napangiti na rin pala ako ng hindi ko alam. Posible pala 'yun? "Ewan ko. Kapag napangiti ka na, napapangiti rin ako."

"Tapos na ba kayong magngitian?"

Napalingon kami ni Jhoanna sa nagsalita. Sila Aiah pala.

Agad lumapit at umupo sa tabi ko si Maloi, "Kwento. Anong nangyari kagabi? Paano kayo nag-aminan? Ano 'yung exact lines na sinabi nyo sa isa't isa? Dali na. Game."

Sabi na nga ba. Bilang dakilang chismosa, hindi 'to papalagpasin ni Maloi. Kwinento ko naman sa kanila kung ano nangyari pero sympre hindi eksakto. Todo kilig naman 'yung tatlong babe at kinantyawan naman ng tatlo si Jhoanna.

"Nakaamin ka rin sa wakas. Akala ko hindi ka na aamin dyan. Kailangan lang pala na may dumating na Jude sa eksena para umamin ka," biro ni Colet kay Jho kaya pinnagtawanan siya ng iba.

"Bakit nga pala kayo nandito?" tanong ko kila Colet.

"Movie marathon tayo, " sagot niya sa akin at lumapit na sa may TV para mangalikot.

Naglalagay ata sya ng action movie nang lumapit si Maloi sa kanya at saka siya tinulak. "Ayoko n'yan. Barilan 'yan. Maingay."

"Okay na 'yan. Nailagay ko na."

"E di tatanggalin ko. Hindi naman problema 'yun."

Papakialaman na sana ni Maloi 'yung player nang hinarangan siya ni Colet. "Huwag na nga. Ayos na 'yan."

"Hep! Pagbotohan na lang natin 'yan." Lumingon silang dalawa sa amin. "Guys, sino may gusto nito?" tinaas ni Maloi 'yung dvd ng isang romantic drama film. Nagtaas naman agad kami ng kamay nila Aiah at Sheena. Tiningnan ko si Jhoanna kaya maya maya ay nagtaas na rin siya ng kamay.

Ganu'n din naman sila Mikha at Gwen.

"Paano ba 'yan? Majority wins," ngisi ni Maloi kay Colet.

"Mga under," reklamo ni Colet.

******

Colet's Point of View

Akala ko mga under lang ang mga kaibigan ko kaya pinili 'yung movie na gusto ng mga girls pero 'yun pala mga gusto lang tsumansing. Paraparaan.

Si Gwen at Sheena magkaholdinghands tapos nakasandal 'yung ulo ni Sheena sa balikat ni Gwen. Si Gwen naman nakasandal din 'yung ulo sa ulo ni Sheenq. Si Mikha naman nakaakbay kay Aiah habang nakasandal ulo niya sa dibdib ni Mikha.

Teen Clash Where stories live. Discover now