Chapter 30: Tipo ni Stacey

1.2K 39 1
                                    

Jhoanna's Point of View

"Gusto mo si Stacey, Jho?"

Hindi ako nakagalaw nang may marinig akong ibang boses. Hindi boses ng mga kaibigan ko  'yun kaya imposibleng mga kasama ko ang nagsabi nu'n.

Nilingon ko ang direksyon kung saan nanggaling
'yung salita at nanglaki ang mata ko nang makita sina Sheena, Maloi at Aiah. Sa dinami-rami ng pwedeng sumulpot, 'yung mga bestfriends pa talaga ni Stacey
.
"K-kanina pa kayo dyan?" Nauutal na tanong ni
Aiah.

"Oo. Huwag mo na rin balakin itanong kung anu-ano ang narinig namin," sagot naman ni Aiah.

"Kailan pa?" Nalipat ang tingin ko kay Shee na nagtatanong.

"Oo nga, Jhoanna. Kailan pa?" gatong naman ni Mikha.

Shit 'tong Mikha na 'to. Siya ang may kasalanan kung bakit narinig ng mga babae na may gusto ako kay Stacey pero... tsk.

Pinalibutan nila ako. Nakapaikot pa talaga sila sa akin. Tanging si Colet lang ang hindi. Nakatayo siya sa may gilid at pinapanuod kami.

Tiningnan ko sila isa-isa. Mukhang hindi ko na rin naman malulusutan 'to kaya aamin na lang ako.

"Matagal na. Hindi pa tayo magkakakilala."

Nanglaki ang mga mata nila. Sino nga ba naman kasi ang mag-aakala na may gusto ako kay Stacey noon pa man?

"Paano?" usisa ni Maloi.

Tiningnan ko si Colet at mukhang naintindihan naman niya na wala ako sa mood magkwento kaya siya na ang nagkwento para sa akin.

"Ganito kasi 'yan..." Panimula ni Colet. Napatingin naman agad sa kanya 'yung lima at siya naman ang pinalibutan.

Lumayo na ako sa kanila at umupo sa bench saka pinakinggang ang kwento ni Colet. Mahirap na, baka mamaya may mamali sa kwento niva at mapahamak pa ako.

Nakakatawa na ang dami ng nakakaalam pero
'yung mismong taong gusto ko wala pa rin kaalam alam.

"Napakatorpe mo naman, Jho," sabi ni Gwen nang matapos magkwento ni Colet. Hindi ko naman pinansin ang sinabi niya kasi hindi ko naman pwede sabihing hindi ako torpe kasi halata naman na.

"I find it cute though, " ngiti sa akin ni Sheena.

"Huh? Paano naman naging cute 'yun?" kunot noong tanong ni Gwen.

Lumapit si Sheena sa kanya at umakbay, "Alam mo kasi, Gwen, mas okay pa 'yung hindi sinasabi 'yung feelings niya at nagpapakatorpe pero totoo 'yung nararamdaman kaysa naman sa mga dumidiskarte nga at nagpapakavocal pero mga hindi naman totoo at purong pangbobola lang 'yung sinasabi." Tumango tango naman si Maloi at Aiah bilang pagsang-ayon sa kanya.

"Kung magpapakatorpe lang siya at itatago lang ang nararamdaman niya, mahirap naman 'yun. Paano kapag naunahan siya ng iba? Paano kapag hinihintay lang din pala siya ng babe na umamin ng nararamdan niya?"

Tinanggal naman ni Sheena ang pagkakaakbay kay
Gwen at napahawak sa baba niya, "May point ka diyan."

"Sabihin na lang natin na okay lang ang magpakatorpe paminsan minsan. pero dapat alam mo rin kung kailan ka dapat umamin sa nararamdaman mo," dagdag ni Maloi.

"Kailan mo balak umamin nyan, Jhoanna?" tanong sa akin ni Aiah.

Natawa naman si Mikha at umiling, "Ang tanong, may balak ka bang umamin?"

Trip na trip ako ng mga 'to. Laging ako na lang nilalagay sa hot seat. Tsk.

Nagkibit balikat lang ulit ako. Kasi sa totoo lang hindi ko rin alam kung kailan ako aamin... kung magagawa ko bang umamin.

Teen Clash Where stories live. Discover now