Stacey's POV
"Kailangan nasa may location na kayo one hour earlier. Maaga dapat kayo since kayo ang magcocover ng game."
"Yes, ma'am."
"Good. You may go."
Lumabas na kami ng photography club room. Kami kasi ni Jho ang napili para magcover nang gagawing basketball game this year. Intrams namin at nag-invite sila from other school ng iba pang players para kalabanin ang varisty team namin.
"Gusto mong mag-lunch muna tayo?" aya sa akin ni Jhoanna.
"Sure."
Ang bilis ng panahon. Magpapasko na. Masyado talagang mabilis ang takbo ng oras kapag masaya ka.
Kami lang ni Jho ang magkasama ngayon kasi may kanya kanyang business ang mga kaibigan namin.
Busy rin kasi kaming lahat dahil sa gaganapin na basketball game this month.
Ako at si Jho ang napili ng photohraphy club para kuhanan ng litrato ang laro. Si Shee naman ang gagawa ng article tungkol dito. Si Maloi, Mikha at Aiah naman, nagprapractice na para sa cheer. Si Gwen ang natasan para ayusin ang event. At si Colet? Busy sa training kasi kasama sa varsity.
"Susunduin na lang kita sa inyo." Napatingin ako kay Jho at napatigil sa pagkain.
"Kailan?"
"Sa araw ng laro. Sabay na lang tayo." Tinanguan ko naman siya at nginitian.
Nagpatuloy na kami sa pagkain. Gutom ako kaya huwag lang siyang magulo. Napahinto ako sa pagkain nang marinig kong natatawa siya.
Hala. Napopossess na ata 'tong taong 'to. Pero in all fairness, ang ganda talaga ng tawa niya. Bihira kasing marinig kaya kapag narinig mo, maaamaze ka na lang. Ang sarap pakinggan. Parang hindi mo pagsasawaan.
Nabalik ako sa katinuan nang maramdaman ko 'yung thumb niya sa gilid ng lips ko.
"Dungis mo," tawa na naman niya.
Ayan na naman 'yang tunog na yan.
"Thanks," sabi ko na lang sa kanya at nagpatuloy na sa pagkain.
Napatingin ako sa kanya at ngayon, it's my time to laugh.
Makapagpuna lang ng kadungisan ko akala mo siya wala.
Nang matawa ako ay tumingin siya sa akin ng nakakunot ang noo na para bang nagtataka sa kinikilos ko. Umiling lang ako. Kakain na sana ulit siya pero pinigilan ko.
"Teka." Pagpatigil ko at tinanggal yung kanin sa chin niya.
"Ikaw rin madungis kumain." Napangiti naman siya.
"Pwede po bang mang-istorbo?" Napatingin kami ni Jho sa nagsalitang si Mikha. Kasama niya si Aiah at Maloi na binigyan kami ng mapanlokong ngiti at tingin.
Umupo na 'yung tatlo katabi namin. "Parang kayo na," sabi ni Aiah. Bigla namang nag-init yung mukha ko at biglang lumakas ang tibok ng puso ko.
"You're blushing, Stacey," tukso ni Maloi at tumawa ng malakas. Kung totoo ngang nagbablush ako kanina, pakiramdam ko mas nagblush ako ngayon.
"Mas mapula ka na ngayon," tukso naman ni Mikha sabay taas baba pa ng kilay. I knew it!
"Hey. Stop bullying her," saway ni Jho sa tatlo.
"Hindi pa kami, okay? Kaya huwag niyo ngang pagtripan si Staku."
Lalo namang nagtuksuhan yung tatlo kaya wala na lang akong nagawa kung hindi ang manahimik.