Sheena's Point of View
"You should have seen the look on his face when I smashed his car," Stacey said laughing like there's no yesterday.
Kanina pa panay tawa nitong si Stacey. Tuwang tuwa kasi at nabwisit niya 'yung leader ng boys na si Jhoanna.
"Hindi ka naman masaya niyan, ano? Anyway, girls, the real game is officially on. Walang papatalo sa mga babaeng 'yan," sabi ni Maloi habang nakataas pa ang isang kamay.
Natigil kami sa kwentuhan at nagbalikan na sa proper seats nang dumating 'yung teacher namin.
Discuss siya nang discuss at sympre ay naging sobrang attentive. May mga times naman na nagdadaldalan 'yung tatlo sa gilid at naglalaro ng kung ano man ang nilalaro nila.
"Class, gagawa kayo ng research paper. This will be done by group which consists of seven members.
Okay?""Ma'am, kami po ba pipili ng groupmates?" tanong naman ni Mikha.
"Ano ba ang gusto niyo? Ako na lang mag-assign?"
Pagkatanong na pagkatanong niya nu'n ay nagsipag-ingay na ang boys. Sila na lang daw ang pipili. At as usual, itsyapwera na naman kaming babae. Wala na naman kaming say.Pinapatahimik na ni ma'am ang boys pero parang mga walang pakialam. Hindi nakikinig. May ilan nga na bumubuo na ng groups ngayon palang.
Nakakahiya naman sa kanila."Ang babastos talaga. Parang walang teacher sa harap," bulong ko sa mga katabi ko.
"Makabuo ng grupo akala mo okay na. Lagi na lang feeling nila masusunod ang gusto nila," iritang sabi naman ni Maloi.
"Boys, quiet!" sigaw ni ma'am pero dahil mahinhin siya ay hindi 'yun masyadong marinig.
Nagparinig pa si Aiah na ang iingay nila pero syempre nadeadma lang siya."Mga bastos. Ayaw niyong umayos ha," bulong ni
Stacey.Tumayo siya at naglakad papunta sa harap ng room. Tiningnan niya ng masama ang side ng boys at saka sumigaw, "Boys! Queit nga raw 'di ba?!
Mahina ba ang pandinig niyo o hindi lang kayo nakakaintindi ng english?! Isang word lang 'yan!
Quiet! Kung hindi niyo maintindihan, tatagulin ko na kasi nakakahiya naman sa inyo! Ang sabi, tumahimik daw kayo! Kaya manahimik lang kayo, pwede ba?!"Hindi ko mapigilan ang mapangiti dahil sa ginawa ni Stacey pati na rin sa naging reaksyon ng lahat.
Lahat ay nanglalaki ang mata at halatang mga gulat na gulat sa ginawa niya. Samantalang kaming mga nasa likod ay nagpipigil lang ng tawa.Tiningnan lang ni Stacey ang side ng boys at nang masiguro niyang nakatahimik na ang lahat ay lumingon siya sa teacher para magsorry sa ginawang pagsigaw at saka bumalik sa upuan.
Nang makabalik ay nag thumbs up kami sa kanya at nakipag-apir pa siya kay Aiah.Sa gitna ng katahimikan ay umubos si ma'am dahilan para makuha niya na ulit ang atensyon ng lahat. Umayos siya ng tayo at humarap kay Stacey,
"Thank you, Ms. Sevilleja , sa pagpapatahimik sa... boys." Nagtataka pa rin siya kung paano nagawa
'yun ni Stacey pero maya maya lang ay umiling ito at nagpatuloy. "As I was saying, magkakaroon kayo ng group research. As for the groupings," ibinalik niya ang tingin kay Stacey. "Ms. Sevilleja, I'll give you the honor to decide. Paano ang gusto mong hatian ng grupo?""Kayo na lang po ang mamili, ma'am. To be fair."
"Okay. So class, write down your names on a one-eight piece of paper then fold it into two at ipass na sa harap."
We did what we were told and when everything's settled, binanggit na niya ang names ng magkakagrupo.
Nabanggit na niya ang group one pero wala ni isa sa amin ang nabanggit.