Mikha's Point of View
Nagkayayaan mag-inuman ang mga loko kaya ngayon ay nasa may kwarto kami ni Gwen. Nakaupo lang habang nagjajamming. Naggigitara si Gwen tapos kumakanta si Colet. Si Jho naman ay nakatahimik lang at ako ay nanunuod sa kanila.
"Kuha nga kayong pagkain sa baba. Damihan niyo.
Tingnan niyo na rin kung may beer. Kapag wala, bumili na lang kayo," utos ni Gwen."Kami angbisita tapos kami ang uutusan? Kami rin pinapabili? Ang bait mo rin," sagot ni Colet pero tumayo naman para sundin si Gwen. Naglakad na siya papuntang pintuan pero huminto rin. "Wala man lang bang tutulong sa akin? Hindi ko kayang buhatin yun." Kadiri 'to. Ang lakas ng loob magpout.
"Tangina, Colet. Anong mukha 'yan? Mandiri ka nga sa sarili mo," iritang sabi ni Jho habang kami ni Gwen ay tumatawa lang.
Lalo pang nang-asar si Colet at mas ngumuso.
"Nakakadiri ka! Sasamahan na kita itigil mo lang
'yan," sabay tayo ni Jhoanna at lumabas na nga sila ni Colet.Nang makaalis ang dalawa ay tumugtog ulit si Gwen ng gitara habang ako ay nag-isip.
Oo, marunong ako mag-isip. Pero seryoso. Inisip ko kasi si Aiah. Ah, hindi. Mali. Inisip ko ang nangyari sa dance club room kahapon. Ewan ko ba pero ginugulo pa rin nu'n 'yung isip ko.
Parang nakonsensya ako sa sinabi ko sa kanya.
'Yung sa siya iniwan tapos ako ang nang-iwan.
Hindi ko naman kasi alam na iba pala yung term na 'iniwan' ang nangyari sa kanya. Akala ko naloko o 'di kaya ay nagsawa lang 'yung lalaki. Malay ko ba na sumakabilang buhay na pala. Ang sakit siguro nu'n.
Medyo nasaktan din ako sa sinabi niya sa akin. Na siya 'yung panalo talaga kasi siya nagmahal at minahal pero ako hindi ko pa nararanasan 'yun.
Totoo naman kasi. Totoo ang sinabi niya. Buong buhay ko hindi ko pa naranasan mainlove. At sa pagkakaalam ko naman ay wala pa rin ang nagmamahal ng totoo sa akin. Marami lang babaeng umaaligid kasi nga sikat ako. Pero hindi nila ako mahal.
Sa totoo lang hindi naman ako nakipag-usap ng matino sa kanya para lang mang-asar. Nasabi ko lang 'yun kasi baka isipin niya na natutuwa akong kausap siya. Kaya bago pa niya maisip 'yun, nang-good time na ko.
Pero totoo naman. Natutuwa akong kausap siya.
Ibang iba kasi siya sa mga babaeng nakalandian ko.Ni hindi man lang niya ako type. 'Yung iba halos itapon na 'yung sarili sa akin tapos siya nirereject at tinatarayan lang ako. Pero dahil nga sa magkaaway kami, hindi ko 'yun pwede maipakita sa kanya. Bakit ba kasi naisip pa 'yung Teen Clash na yan?
Nakakabanas!
Nang pagkalabas na pagkalabas ko nga ng room kahapon dumiretsyo na ako sa No Name para makapaglibang. Para di ko muna maisip ang sagutan namin ni Aiah.
***
Flashback...
Napaaga ako sa No Name. 8:30 pa kami pero 7 pa lang ay nandito na ko. Napatingin naman ako sa may stage. Tatlo lang silang tumutugtog.
Malamang hindi na pupunta si Aiah.
Umupo ako sa may stool sa bar at umorder ng isang bote ng beer. Iinumin ko na sana 'yun pero may biglang kumuha. Si Manager.
"Akin na 'yan, Manager."
"Maglalasing ka? Magtigil ka. Tutugtog kayo mamaya." Tsk. Inalis ko na lang ang tingin ko kay
Manager at tumingin ulit sa stage. "Ano problema?" tanong niya.Tumalikod naman ako kaya sa may bar para sa stage na ako mismo nakaharap. Binawi ko ang beer ko sa kanya at bago niya kuhanin ulit sa akin
'yun ay pinigilan ko na. "Hindi ako maglalasing. Isa lang. At saka wala akong problema, Manager.
Iwan mo muna ko." Napabuntong hininga naman si Manager at umalis na.Uminom lang ako nang may marinig ako sa stage kaya napalingon ako kaagad.
Si Aiah. Nakahabol siya kung kailan last song na.
"Good evening sa invo. Alam kong bihira akong kumanta dito pero ngayon, pwedeng ako muna? Last song na naman 'to. Pagbigyan niyo na ko. Sana magustuhan niyo 'tong kakantahin ko."
I miss you, miss you so bad
I don't forget you, oh it's so sad
I hope you can hear me, I remember it clearly
The day you slipped away
Was the day I found it won't be the same
I didn't get around to kiss you, goodbye on the hand
I wish that I could see you again, I know that I can't
I hope you can hear me, 'cause I remember it clearlyThe day you slipped away
Was the day I found it won't be the same
I've had my wake up, won't you wake up
I keep asking why?
And I can't take it it wasn't fake it
It happened you passed by
Now you're gone, now you're gone
There you go, there you go
Somewhere I can't bring you back
Now you're gone, now you're gone
There you go, there you go
Somehow you're not coming back
The day you slipped away
Was the day I found it won't be the same
The day you slipped awayWas the day I found it won't be the same
The day you slipped away
Was the day I found it won't be the same
I miss you soBuong pagkanta niya ay nakatingin lang ako sa kanya. Damang dama niya 'yung kanta. Habang kumakanta siya saka nagsink in sa akin na sobrang mali talaga ang nasabi ko. Kailangan kong huminging sorry sa kanya. At parang... parang gusto ko siya tulungan. Pero hindi ko alam kung paano.
Nang matapos silang tumugtog ay lumapit ako sa kanila.
"Oh. Look who's here."
Hindi ko pinansin si Stacey at dumiretsyo kay
Aiah. "Aiah." Kaya lang ay hindi niya ako pinansin.Maski pasadahan ng tingin ay hindi niya nagawa.
"Girls, una na muna ako. Medyo masama kasi pakiramdam ko."
***
"Hoy!"
"Ay, Aiah!" sigaw ko dahil sa gulat nang sinigawan ako ni Gwen sa tenga. Baliw 'tong siraulong 'to.
Pero... Aiah ba ang nasabi ko? Ugh. Ako ata ang baliw eh.
"Anong Aiah? Gwen ang pangalan ko. Gwen Apuli.
Akala ko pa naman masyado kang nagandahan sa boses ko kaya ka napatulala dyan. Ayun pala, inisip mo lang si Aiah. Pero teka nga, bakit mo nga ba siya iniisip?" Inilagay niya ang gitara sa gilid ng kama niya para mas makapagfocus daw siya sa pakikinig sa akin. "Hindi masamang sumagot.""Hindi ko siya iniisip."
"Sinong niloloko mo? Kakasabi mo lang ng
pangalan niya.""Huwag kang chismoso." Kinuha ko ang kakalapag
lang niyang gitara at nagstrum."Aamin lang hindi pa magawa. Nakahanap ka ng katapat mo, ano? Nako, Mikha. Type mo si ba si Aiah? Wala 'yan, pare. Hindi ka niyan papatusin. Ang taray taray."
"Gago. Manahimik ka na lang dyan," sabay strum ko ulit ng gitara at nanahimik nga siya.
Pero sa totoo lang, kung type at type lang ang pag-uusapan, aba, oo naman. Type ko si Aiah. Ganda niyang 'yun. At ang fierce pa. Pero kung gusto ko siya? Hindi. Sandali ko palang siya nakikilala.
Paanong gusto kaagad? Kaya lang nang umiyak siya kahapon sa harapan ko at nalaman kong may ganu'n siyang pinagdaraanan, naawa na ako sa kanya.
Kaya napagdesisyunan ko na simula ngayon ay ititigil ko na ang pakikipag-away sa kanya. Sa kanya lang.