Chapter 37: Love Has No Reason

1.2K 40 1
                                    

Stacey's Point of View

Mamayang gabi na ang contest. May konting kaba pero keri naman.

Hindi pa rin alam ni Manager Ling 'yung tungkol sa contest na sinalihan namin pati na rin 'yung pagkakabati-bati naming walo.

Papunta kami ngayon ni Sheena sa No Name para papuntahin si Manager Ling sa contest. Nang makarating kami ay agad akong bumaba at pumasok sa loob. Grabe nakakamiss dito. One month din pala kaming hindi nagpunta dito.

Inabutan namin si Manager Ling sa may bar at nag-aayos ng drinks. "Manager!" sigaw namin ni Shee at tumakbo palapit kay Manager para yakapin siya.

"Stacet? Sheena?" sabi niya pagkabitaw namin.

"Grabe ka, Manager. One month lang tayong hindi nagkita nakalimutan mo na agad kami," pagdradrama ko at hinawakan ko pa ang dibdib ko. Si Sheena naman ay natatawa lang.

"Eh sino kaya 'yung ma nawala nang walang pasabi tapos after one month bigla na lang susulpot sa harap ko?"

Nagpeace sign si Sheena at tumawa, "Sorry, Manager. May inaasikaso kasi kaming importanteng bagay."

"Sa sobrang importante ni hindi niyo man lang ako nagawang tawagan o kahit text man lang para sabihin na mawawala kayo ng isang buwan?"

Tumango naman kami ni Sheena. "Hindi ko alam kung pinagtritripan niyo ako nila Mikha at sabay sabay pa kayong nawala."

"Hindi ka namin - " Kinurot ako ni Sheena kaya hindi ko natuloy ang sinasabi ko.

"Bakit mo naman naisip 'yan, Manager? War nga kami 'di ba?" Ah, oo nga. Kaya pala. Muntikan pa akong madulas.

"Hanggang ngayon?!"

"Yup!"

"Tsk. Hindi effective ang plano" bulong ni Manager Ling.

Plano?

Anong plano?

"Ano 'yun, Manager?" tanong ko. Kasi naman ano ba pinagsasabi nito.

Mukhang nagulat si Manager nang tanungin ko siya.

Tumingin siya sa likod namin ni Sheena at tinuro 'yung isa sa staff niya. "Uy, nandyan na pala 'yung pinabili kong ice cream. Gusto niyo?"

"Ice cream!" sigaw ko at kinuha ang isang galon ng ice cream. "Manager, akin na lang 'to lahat ha? Marami ka pa naman," sabi ko sa kanya at kinuha na rin 'yung kutsarang dala ng staff niya at kumain."

"Sheena, gusto mo?" alok ko sa kanya.

"No thanks."

Umupo kami ni Shee sa stool sa may bar tapos si Manager ay nasa loob at kumakain din ng ice cream.

"Kamusta nga pala?" tanong niya

"Ito maganda pa rin," biro ko sa kanya tapos ay kumain na ulit ng ice cream.

Natawa siya at ginulo ang buhok ko, "Ikaw, Sheena?"

"Fine. I guess?"

"Hindi sigurado? Ano na naman 'yang problema mo? Pina-date ka na naman ba ng daddy mo sa iba? O pinilit ka na naman niya makipagkita sa girlfriend niya?"

"Fiance, Manager. Not girlfriend. At sanay na ako du'n kaya hindi ko na proproblemahin 'yung mga ganu'ng bagay."

"What's your problem then?"

"Better not to talk about it now."

"Psh. Sige na nga. Hindi na kita pipilitin. 'Yung dalawa nga pala bakit hindi kasama?"

"Nagprapractice."

"For what?"

"Contest."

'"'Yung sa may bayan ba?" tanong ni Manager kay Sheena at nilapag na 'yung ice cream na kinakain niya.

Teen Clash Where stories live. Discover now