Chapter 34: Blush

1.2K 38 0
                                    

Aiah Point of View

"Yes Aiah. I'm damn jealous. Happy?"

Huh? Teka, ano raw?

Nagseselos siya? Seryoso ba 'to? Pero bakit? At bakit parang bigla akong kinabahan? Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko?

Nakatitig lang ako sa kanya nu'n at ganu'n lang din siya. Kaya lang parang ang awkward na bigla.

What's wrong with me?

"Aiah - "

"Hoy, Aiah at Mikha. Nandyan lang pala kayo.
Tara na kaya sa loob. Magkantahan na lang tayo,"

sulpot ni Colet at saka ako inakbayan. "Aiah, may sakit ka ba? Bakit namumula ka?"

"Ha? Wala. Tara na sa loob," sabi ko kay Colet at tinanggal ang pagkakaakbay niya saka pumasok sa loob.

Pagpasok na pagpasok ko ay nakita ko kaagad si
Maloi na umiinom ng kung ano man. Inagaw ko ang inumin niya at ininom 'yun. Para kasing bigla akong nainitan.

"Hoy! Ano ba?! Inumin ko yan, e!" reklamo nya sabay sibi. "Teka, Aiah. Bakit namumula ka?
May sakit ka ba?" tanong pa niya at hinawakan ang noo ko.

Inilayo ko ang kamay niya at umiling, "Wala nga kasi akong sakit. Para kang si Colet."

Para namang may radar 'tong si Colet at sumulpot na naman saka tumabi sa amin ni Maloi. "Yo! I heard my name."

"O tapos?" tanong ni Maloi.

"Hoy, Maloi, huwag ka munang makipag-away sa akin. Nagcecelebrate tayo. Next time na lang!"

Tumahimik sandali si Maloi at tiningnan ang mga kasamahan namin, "Fine! Hangga't kaya kong hindi ka barahin, hindi kita babarahin."

Ginulo naman ni Colet ang buhok ni Maloi dahil sa naging sagot niya. "Madali ka naman palang kausap."

"Pero maiba nga tayo... bakit ka ba namumula, Aiah? Sigurado kang okay ka lang?" Ang kulit naman nitong si Maloi.

"Sabi ko sa 'yo namumula ka, e. Teka... Baka naman nagblablush ka lang. Yii," tinusok tusok pa ni Colet ang tagiliran ko.

"Blush? Ano yun?" pagmamaang maangan ko.

Tinaasan lang ako ng kilay ni Colet at tinawag si
Maloi.

"Bakit?"

"Kung araw-araw ko lang makikita yang pagmumukha mo - "

Pinutol naman ni Maloi ang sasabihin niya, "Ano?!
Maiirita ka? Maiinis? Magagalit? Mabwibwisit?
Hay nako, Colet! The feeling is mutual kung ganun.
Nagkamot ng ulo si Colet. "Try mo kayang patapusin muna ako sa sasabihin ko?!" inis na reklamo niya kaya tumahimik naman si Maloi.

Umubo at umayos ng upo saka humarap kay Maloi.

"Mary Loi Yves Ricalde. Alam mo ba... kung araw-araw ko lang makikita 'yang pagmumukha mo... wala ng malungkot na araw pa ang darating sa buhay ko, sabi niya sabay ngiti kay Maloi.

Si Maloi? Ayun. Tulala. Nashock siguro. Paano naman kasi bigla bigla na lang babanat 'tong si Colet.

"O, Aiah. Tingnan mo si Maloi. Ayan. Ayan ang tinatawag na nagblublush. Ngayon alam mo na," ngisi niya.

Nagsalubong naman ang kilay ni Maloi dahil sa sinabi ni Colet at saka siya pinagpapalo. "Bakulaw ka talaga! Sino nagsabing nagblush ako? Patawa ka! Asa ka! Bahala ka nga dyan! Bwisit!" sigaw ni Maloi sa kanya sabay tayo at inagaw ang mic kay Gwen saka kumanta. Tawa naman nang tawa si Colet sa tabi ko.

"Sus. Tatawa tawa pa. If I know totoo naman ang sinabi mo kay Maloi. Gagamitin mo pa ko sa mga paghirit mo, ha."

Tumigil siya sa pagtawa at saka ako umiling.

Teen Clash Where stories live. Discover now