Chapter 54: Bitter

991 33 0
                                    

Mikha's Point of View

"Hoy! Anong drama yan?" Napatingin ako kay Jho na nasa may kwarto ko. Hindi marunong kumatok 'tong isang 'to.

"Wala. Lumayas ka nga. Bakit ka ba nandito?"

"Ikaw lumayas. Ikaw nakaisip, e." Walanghiyang 'to.

Kapal ng mukha. Pinapalayas ako sa pamamahay ko.

Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa paglalaptop.

Binuksan ko ang profile ni Aiah at tiningnan ang albums.

Bakit ba ang ganda niya? Walang maipintas. Medyo mahilig din pala siya sa picture kahit papaano. Huh?

Teka.

Ano 'to? Bakit paheart shape lang ang album title?

Hindi ko alam kung ano ang sumapi sa akin at binuksan ko ang album na 'yun.

Wrong move. Shit. Bakit ba binuksan ko pa 'to?

Lakas lang makabadtrip.

"Ayan siguro si Jeremy." Halos malaglag na ako sa upuan ko nang biglang nagsalita si Jho.

"Tangina ka! Lumayo kanga. Sisipain na kita palabas ng bahay ko!"

Umupo naman siya sa kama ko. "Bitter mo. Ikaw kaya sipain ko.

"Bakit ka ba kasi nandito?"

"Paki mo ba?" Konti na lang talaga sisipain ko na palabas 'tong Jhoanna na 'to. "Bakit mo tinitingnan profile ni Aiah?"

"Paki mo rin ba?"

"Psh. Stalker ka lang kasi. Pero alam mo, mukhang ang sweet nila Aiah at Jeremy noon, ano?"

"Daldal." Ano ba kasing kinain ng walanghiyang 'to at ganito kadaldal ngayon? Bwisit.

"Siguro hindi pa niya nakakalimutan si Jeremy."

Tumingin ako ng seryoso kay Jho, "Nakalimutan na niya."

"Hindi pa."

"Nakalimutan na nga sabi! Bakit ba ang kulit mo?"
sabi ko kay Jho at tumayo na a kinauupuan ko.

Tumingin lang siya sa akin at biglang humagalpak ng tawa. Ano ba kasing problema nito? Nakakabanas na.

"Alam mo halata ka!" Sinamaan ko lang siya ng tingin.

"May pa walk out walk out ka pang nalalaman kanina."

Sinamaan ko lalo sya ng tingin. "Patay ka sa akin"

******

Aiah's Point of View

"Aiah nag-walk out daw si Mikha kanina?" Napatigil ako sa pagkain ng chocolate at napatingin kay Gwen na nagtatanong.

Nasa sala kami ngayon ng bahay namin. Kasama ko si Stacey at Shee. Bumisita rin si Gwen. Si Maloi at Colet baka may date.

'Yung dalawa naman, malay ko kung nasaan.

"Sinong nagsabi?" tanong ko kay Gwen at bumalik sa pagkain ng chocolate.

"Si Stacey at Jho." Tumingin naman ako kay Jho habang siya ay tumingala lang.

"Anong nangyari?" tanong naman ni Sheena.

"Wala. Okay lang naman kami." Okay nga lang ba kami?

"Okay? Okay ba 'yung hindi ka niya hinatid?"

"Di ba nga sabi mo may importanteng pupuntahan?"

"Ako nga ang nagsabi. Ibig sabihin, hindi siya nagpaalam sa 'yo." Pigilan niyo lang ako papauwiin ko na 'tong si Gwen.

Teen Clash Where stories live. Discover now