Chapter 66: Last Chapter

1.4K 27 0
                                    

Stacey's Point of View

Two months later...

"Doon na kasi tayo sa horror house. Dali na," aya sa amin ni Malou. Hinihila pa niya ang kamay ni Aiah kaya mukha siyang batang nagpapabili ng kung ano man sa nanay niya.

"Mamaya na 'yan, Maloi. Ferris wheel na lang," suggestion naman ni Shee.

"Mas maganda mag ferris wheel kapag gabi."

"Mas maganda rin pumasok sa horror house kapag gabi."

Bago pa humaba ang usapan ay inaya ko na lang silang kumain na sinang-ayunan naman ng iba. Kapag pagkain talaga ang kalaban, wala na.

Foundation day ngayon kaya para kaming ewan na tuwang tuwa maglibot sa school para maningin ng mga booths.

Wala kasing ganito sa dati naming school. Inosente pa.
Buti na lang talaga lumipat ako sa school na 'to. Ang saya.

*****

Aiah's Point of View

"Nasaan na ba yung apat?" tanong ko sa tatlo. Kanina pa kasi kami ikot nang ikot pero hindi namin sila makita.

"Baka nambababae," sagot ni Maloi.

Sinamaan namin siya ng tingin kaya tinaas niya ang kamay niya, "Chill lang naman. Biro lang. Subukan lang nila mambabae. Baka di na sila sikatan ng umaga." Magbibiro na lang kasi 'yung hindi pa nakakatuwa. Sa pagkakaalam ko kasi dapat funny ang mga biro.

Napahinto kami sa paglalakad nang may lumapit sa akin na dalawang babae at bigla akong nilagyan ng piring sa mata.

"H-hoy! Ano ba?! Tanggalin niyo nga 'to. Wala akong makita." Tatanggalin ko na sana 'yung piring pero hinawakan nila 'yung kamay ko.

"Ate, ano ba 'yang ginagawa niyo sa kaibigan namin?"
Boses ni Stacey 'tong naririnig ko.

"Napag-utasan lang po. Saka sumama na rin kayong tatlo.
Sali raw po kayo."

"Anong sali? Anong akala niyo? Naglalaro lang tayo ng langit lupa? Ayoko nito. Tanggalin niyo 'to."

"Aiah, mukha namang enjoy 'to. Huwag ka na magreklamo. Just go with the flow."

Alam kong si Maloi 'tong nagsasalita. Oo, enjoy 'to, pero ayun ay kung hindi ako ang nakapiring. But sana kung nanunood lang din ako.

Pumalag pa rin ako nang pumalag kaya lang napagod din ako kasi hindi naman sila nakikinig. Kaya sumama na lang ako kung saan man nila ako dadalhin. Makaalis lang ako dito, nako...

Huminto kami sa hindi ko alam kung saan at sinabihan ako ng babae na maghintay at magbilang hanggang lima bago tanggalin ang blindfold. Pero sympre hindi ako sumunod at tinanggal kaagad 'yun pagbitaw na pagbitaw nila ng kamay ko.

Kumurap kurap ako para maiadjust ang mata ko sa ilaw at halos mapanganga ako nang makita ko sa hindi kalayuan si Mikha  na ngiting ngiti sa akin.

Hindi ko alam ang nangyayari kasi may bigla na lang tumugtog na kanta.

🎵 Here we stand today
Like we always dreamed
Starting out our life together
The light is in your eyes
The love is in our hearts
I can't believe you're really mine forever
Been rehearsing for this moment all my life
So don't act surprised
If the feeling starts to carry me away 🎵

Bigla namang may tumabi sa magkabilang gilid ko at nakita ko si Sheena at Gwen na wagas din kung makangiti. May pahabol pang kindat si Gwen. Sinenyasan nila akong maglakad papunta kay Mikha at sinabayan ako.

Nang makarating ako kay Mikha ay inilahad niya ang kamay niya at tinanggap ko naman 'yun. Dinala niya ako sa harap na parang mini altar.

🎵 On this day
I promise forever
On this day
I surrender my heart
Here I stand, take my hand
And I will honor every word that I say
On this day 🎵

Teen Clash Where stories live. Discover now