Chapter 22: Seven Rules

1.3K 48 1
                                    

Aiah's Point of View

"Girls, tara na! Male-late na tayo!" sigaw ko sa tatlo.

Napakatatagal kasi. Ni hindi na nga kami nakapagbreakfast kasi pareparehas kami nahimbing ng tulog. Palibhasa masarap matulog kagabi since umuulan.

Nagmamadaling bumaba si Maloi at Sheena. Hindi pa nagsusuklay si Maloi at may polo pa sa noo si Shee.

Si Stacey na lang ang hinihintay as usual.

"Ang bagal talaga ni Staku kahit kailan," reklamo ni
Maloi habang nagsusuklay.

Kapag hindi siya minadali walang mangyayari.

Kaya inakyat ko na ang kwarto ni Stacey. At wow naman. Nakahiga pa ang loka. Nakatalukbong pa ng kumot. Chill na chill ha.

"Uy, Stacey, gising. Late na tayo." Niyuyugyog ko siya pero hindi pa rin natitinag kaya tinanggap ko na ang kumot at saka ulit siya niyugyog. "Staks! Gising na. Malapit - huh? Teka. Okay ka lang ba?" Nang madikit ang kamay ko sa balat niya saka ko lang narealize na nilalagnat pala siya. Malamang dahil
'to sa nagpaulan siya kahapon.

"Hindi pa ba bumabangon?" sulpot ni Sheena na may dala ng tinapay at gatas na nakakarton.

"May lagnat. Mauna na kayo. Hindi na lang ako papasok para maalagaan 'to."

"Ako na lang magbabantay," prisinta ni Shee.

"Hind na. Masisira attendance mo. Ako na lang magbabantay sa kanya," singit naman ni Maloi at nakataas pa ang isang kamay. Feeling ata niya may recitation.

"Ako na nga lang 'di ba? Nauna na ako. Ako na magbabantay sa kanya."

Nagtalo-talo lang kaming apat sa kung sino ang magbabantay kay Stacey . Natahimik lang kami nang biglang umupo si Staku at pinatahimik kami. "Kaya kong mag-isa. Hindi naman malala 'to. Lagnat lang naman. Sige na. Umalis na kayo."

"Pero wala kang kasama dito." Pangangatwiran ko.

"Kaya ko na. Kapag hindi pa kayo pumasok sisipain ko talaga kayo palabas ng bahay. Go na. Shoo!"

Sa lahat ng may sakit siya lang 'yung ganyan. Kaya kahit hindi naman namin gusto ay umalis na nga lang kami at iniwan siya. Uuwi na lang ako ng maaga mamaya para maasikaso siya.

Nang makarating na kaming school ay saktong kakarating lang din ng apat na poganda.

"Good morning!" bati nila samin. Hindi pa rin talaga ako sanay na ang normal namin mag-usap.

"Kulang ata kayo, Aiah?" tanong naman ni Colet.

"Wala si Stacey," sagot sa kanya ni Maloi.

"Aiah nga 'di ba? Si Aiah ka ba?"

"Sinasagot ko na nga ang tanong mo nagrereklamo
ка ра."

"Hindi naman ikaw ang tinatanong ko." Ayan na naman po sila. Nagbabangayan na naman. Hindi ata mabubuo araw nila ng hindi nag-aaway.

Magkakasunod pa kaya ang dalawang 'to?

"Wala kang pakialam. Gusto ko sumagot."

"Isa pa, sige. Subukan niyong dugtungan 'yang sagutan niyo at tatapalan ko ng tape 'yang bunganga niyo," banta ni Gwen kaya napatikom ng bibig yung dalawa na naging dahilan ng tawanan namin.

"Tsk. Aiah," din ni Colet sa pangalan ko dahilan para makatanggap siya ng irap kay Maloi. "Naasan na nga ba si Stacey? Nauna nang pumasok sa loob?"

"Wala. Nasa bahay. Hindi muna papasok."

"Bakit?"

"Mataas kasi lagnat," sabat ni Shee.

"Ah. Kaya pala. Anong lagay niya?"

Teen Clash Where stories live. Discover now