Stacey's Point of View
Hello again, Kingdom High! We're oh so back.
When I said back, I mean really, really back. As in back in our old ways, our old selves.Nauna na sa classroom ang tatlo habang naghahanap ako ng parking space. Kanina pa ako paikot-ikot kaya when I found one ay kaagad akong nagpark at bumaba ng kotse. Papunta na ako sa classroom nanag may humintong kotse sa harap ko. Ibinabab ang bintana sa may driver's car at kung minamalas ka nga naman... si Jhoanna ang bumungad sa akin.
Yes. Si Jhoanna.
Ang aga agag pa. Masisira na ba talaga ang araw ko?
I groaned at looked at him, "What?!""Is that your car?"
"Oo."
"Move it."
"Pardon?"
"Move. Your. Car."
"At bakit ko gagawin 'yun?!" sigaw ko sa kanya na hindi na rin niya ikinagulat pagkatapos ng naging eksena kagabi sa No Name. Sobrang passive pa rin ng reaksyon niya kaya nakakairita lalo.
Parang nakatawag din ako ng atensyon sa ginawa kong pagsigaw kaya unti-unting may lumapit sa amin na ibang estudyante.
"I want that spot."
"So? I got it first. I arrived here first. Sinong mag-aadjust ngayon?" irap ko sa kanya.
"Wala akong pakialam who arrived first. Basta I want that spot so you better move that fcking car of
yours."Irita na siya niyan? Pikon na agad? Bilis naman.
"Whatever, Jho! Hindi ko aalisin ang kotse d'yan whether you like it or not. I don't care kung gusto mo ang spot na yan. I want it, too. Next time, pakiagahan na lang ha?" I smiled sarcastically.
"Jho? Tinawag mo akong Jho?" Tinaasan ko siya ng kilay as if asking if he's really asking that question.
He's weird. "You shouldn't. Hindi tayo close kaya mwag mo akong tawagin na Jho."Inilagay ko ang daliri ko sa ilalim ng chin ko at saka itinagilid ang ulo sa kanya. "Pero 'di ba ang sabi nga nila... keep your enemies closer? Kaya technically close tayo sa ayaw at sa gusto mo. Saka wala ngang pakialamanan sa kung ano ang gusto kong itawag sa 'yo. Kahit na Jho, Jhoanna, o kahit Dodong pa 'yan, wala kang pakialam. Kasi ako naman ang tatawag. Ako at hindi ikaw. Hay nako. Nasasayang lang oras ko dito. Paano ba 'yan, Jho," diin ko pa sa pangalan niya. "Una na ako sa classroom ha," sabay lakad ko palayo sa kanya.
Habang naglalakad palayo ay napansin kong speechless ang mga tao sa nangyari. Grabe! Gusto kong matawa sa mga naging reakson nila.
Priceless! Sino nga ba naman ang mag-aakala na may sasagot sa leader ng boys? Bagay lang sa kanya
'yun.Hindi pa ako nakakalayo nang marinig ko ang kantyawan ng boys kaya dahil dakilang usisera ako ay nilingon ko sila.
Oh...
Oh, no...
Oh, no, they didn't. Sht! Sht!
Walanghiyang mga unggoy 'to! Nagvandalize ng kotse ko!
Bumalik ako doon para tingnan kung gaano kagrabe ang ginawa nila.
Hayop talagang mga lalaki 'yan. Sinulatan ba naman ng "spot stealer" "go away" at "get lost" ang
sasakyan ko. Ang kakapal talaga ng mga mukha.
Nasa harapan na nila ako pero ayaw pa rin nilang magsitigil.'Yung halimaw na si Jhoanna naman nakagitna pa rin sa daan hanggang ngayon. Bumaba pa ng kotse ang unggoy at sumandal sa hood ng sasakyan niya.
Nakacrossarms pa habang pinapanood ang mga kalahi niyang unggoy sa ginagawa sa kotse ko.
I glared at them strong enough to gather their attention. Natigil sila sa ginagawa nila at saka ako tiningnan.