Chapter 35: Stay Close, Don't Go

1.4K 47 0
                                    

Aiah's Point of View

"Stop! Itigil niyo 'yan," sigaw ni Stacey kaya napahinto naman ako. I mean kami pala ng ka-duet kong si Mikha. "Ano ba naman kayo?! Paano tayo mananalo niyan? Walang kabuhay-buhay 'yang kinakanta niyo. Walang feelings. Juko lagpas ten tries na tayo dito."

"Tingin ko dapat mamaya na kayo magpractice.
Mauna ka na lang muna Maloi," suggestion ni Shee.

Walang salita naman akong umalis sa harap nila at umupo sa tabi ni Stacey habang si Maloi, ayun at nag-aayos na. 'Yung kasama ko naman sa pagduduet ay lumabas muna sa bahay. Ewan ko kung saan siya pupunta. Sumunod naman si Colet sa kanya.

"Hey, are you okay?" tanong sa akin ni Stacey.

Tiningnan ko lang siya at tumango saka itinuon ang atensyon kay Maloi.

Narinig ko na lang na bumuntong hininga ang katabi ko. "Hay. Bakit ba tinanong pa kita? Alam ko na hindi ka naman magsasabing totoo. Something's bothering you... or should I say... someone?"

Napalingon naman ako sa kanya nu'n at saka siya inirapan. "What are you talking about? Someone huh?"

Bigla namang sumingit si Sheena sa usapan, "Tingin ko tama si Stacey. May gumugulo sa 'yo ngayon. Hindi 'yun bagay. Sigurado ako na tao siya."

Tsk. Wala na. Alam ko namang kahit i-deny ko hindi sila maniniwala. Tama naman kasi sila. May bumabagabag na tao sa isip ko ngayon. Actually hindi naman ngayon lang. Kahit noong nakaraang gabi pa.

"Bakit hindi ka makasagot? Tama kami, ano?"
tanong ni Stacey. "May tao nga bang bumabagabag sa 'yo?"

"Umamin ka na lang kasing ginugulo ang isip mo ni
Mikha." Epal ni Jhoanna. Psh. Minsan na nga lang magsalita 'to maiinis ka pa sa sasabihin niya. Kapag ako nabwisit ibubuking ko pa 'to kay Stacey, e.

Makita lang niya.

"Ang kulit niyo," singhal ko sa kanila.

"Alam mo, Aiah, hindi ko kayo maintindihan niyang si Mikha," sabi naman ni Gwen na nakisama na rin sa panggigisa sa akin.

Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya at hindi ko napigilan ang magtanong. "Bakit?"

"Hindi naman talaga kayo pero kung mag-inarte kayo parang kayo talaga. Daig niyo pa ang real couples sa ginagawa niyo. Kung hindi ko lang alam na fake kayo, isipin kong may nararamdaman talaga kayo para sa isa't isa."

"Wala nga ba?" dagdag ni Shee sa sinabi ni Gwen.

Bumilis na naman ang tibok ng puso ko. Ano ba naman 'yan! Ito... Ito talaga 'yung mga ayokong pakiramdam, e. Nakakainis lang talaga. Dagdag mo pa 'yung apat na kasama kong nakapalibot sa akin at mga nakatingin sa akin na para bang naghihintay talaga sila ng sagot sa tanong ni Shee.

Wala nga ba? Ewan ko. Ako mismo naguguluhan na sa nararamdaman ko. Hindi ko na alam kung ano na ba 'to. Ang gulo gulo na.

"Ang daya nyo naman, e. Hindi kayo nakikinig sa pagkanta ko," reklamo ni Maloi at pumapadyak padyak pa kaya napatingin kami sa kanya.

Binitiwan niya 'yung mic at umupo sa tabi namin.

"Sorry, Maloi. Medyo naiintriga kasi kami dito kay
Aiah," sabi ni Stacey.

Ngumiti lang si Stacey at lumingon sa akin. "Go, Aiah! Ano na? Wala ka bang nararamdaman para kay Mikha?"

Napasapo naman ako sa noo ko. Sabi ko na nga ba.

Knowing Maloi, makikichismis lang 'yan kaya hindi na kumanta.

"We're waiting."

Nagbuntong hininga ako. 'Yung malalim na malaim.

Teen Clash Where stories live. Discover now