Stacey's Point of View
"Hey, Staku. Tara. Libot libot muna tayo?"
"Sige na, Aiah. Kayo na lang muna. Dito na lang muna ako."
"Ano ka ba, Staku? Isang buong araw ka ba magkukulong sa kwarto? Look, hindi ka lumabas para kumain. We brought your meals sa loob pa ng kwarto. Try mo kayang magpaaraw man lang. Dali na. Sama ka na sa amin." Nang mapansin ni Aiah na nag-aalangan ako ay tinapik niya at nginitian.
"Huwag kang mag-alala. Walang yung apat."
Napabuntong hininga ako at tumayo na para magpalit ng damit."Good," dinig kong sabi pa ni Aiah.
Pagpalit ko ng damit ay nag-aalangan pa kong lumabas ng kwarto. Mahirap na. Baka makita ko pa siya. Baka lalo lang madagdagan 'yung sakit na nararamdaman ko ngayon.
"Stacey... walang mangyayari kung tataguan mo lang siya.
Dapat nga ngayon mo ipakita sa kanya na ayos ka lang.
The best revenge is to be happy. Kahit wala siya."Ninitian ko si Aiah at dahan dahang lumabas ng kwarto.
Good thing walang tao sa second floor bukod sa amin. Pero nang pagbaba namin, inabutan namin 'yung apat na babae sa may sala at nag-uusap-usap.
Naramdaman o narinig ata nila ang pagbaba namin kaya napatingin sila sa direksyon namin. Sandaling nagtama ang mata namin ni Jho pero iniwas ko rin ang tingin ko.
'Yung mga mata niya parang iba ang dating sa akin.
Parang may kakaibang pakiramdam na... hindi ko alam.
Pero shit lang. Hindi ko maipaliwanag 'tong nararamdaman ko ngayon. 'Yung tibok ng puso ko parang huminto. Pero at the same time, parang bumilis. Posible ba 'yun? Ewan ko.
Wala na akong maintindihan.
Binilisan ko ang lakad ko para makaalis sa lugar na 'yun.
Nakakasuffocate.
"Love!" dinig ko pang sigaw ni Mikha.
Ineexpect kong hihinto si Aiah at haharapin siya pero hindi niya 'yun ginawa. Nagtuloytuloy lang din siya kagaya
k0.May problema ba sila? Bakit hindi niya pinansin?
Nang hindi ako makatiis ay nilapitan ko siya at bumulong.
"Is there a problem between you and Mikha?"
"Tss. Alam mo na. 'Yung sa ano"
Ah. Alam ko na. Siguro 'yung sa pustahan. Pustahan.
Pustahan. Pustahan. Ayan na naman. Para na namang kinurot ang puso ko kapag naaalala ko 'yung pustahan na
'yan."This is between me and Jho, Aiah. Don't worry."
******
"Uy, ayan na naman yung kamukha ni Jho," turo ni Maloi sa babaeng nakatalikod.
Pinalo naman ni Sheena ang kamay niya. "That's rude, Maloi. At saka, ano ka ba?!" Pinanlakihan niya ng mata si Maloi at ngumuso sa direksyon ko. Napangiti at napailing na lang ako sa ginawa ni Sheena. Sana kung gagawin niya 'yun 'yung hindi ko nakikita 'di ba? Fail.
Napayuko ako sandali at nang inangat ko na ulit ang ulo ko ay nakita ko ang tatlo na nakatitig sa akin na parang nag-aalala. Pero nang tumingin ako sa kanila ay nag-iwas sila ng tingin.
Tumingin sa kaliwa si Aiah, sa kanan si Shee at tumingala naman si Maloi.
"Hindi naman siya ' yun kaya ayos lang. Ano ba kayo," natatawa kong sabi sa kanila.
![](https://img.wattpad.com/cover/369748559-288-k933751.jpg)