Mikha's Point of View
"Ms. Apuli and Ms. Sheena, please meet me at the faculty room. The rest of the class, you're dismissed."
Woo! Sa wakas! Ito lang talaga ang hinihintay ko.
Uwian. Buti na lang halfday lang pala kami.
Nang sumunod na si Sheena at Gwen kay ma'am ay lumapit ako kay Aiah.
"Tara," aya ko sa kanya.
"Ha?"
"Kain tayo sa labas. Uwian na naman at hindi pa tayo nagla-lunch."
"Ah. Pero - "
Bago pa makasagot si Aiah ay umepal na si Colet
"Kakain tayo? Sige, tara! Gutom na ko." Si Aiah lang naman niyayaya ko, bakit sumasam 'to?
"Patay gutom." Sino panga ba ang magsasabi niyan kay Colet? Ang bestfriend lang naman niyang si Maloi.
At paniguradong magsisimula na naman ang panibagong kabanata ng awayan nilang dalawa.
Dinuro ni Colet si Maloi at pinanglitan ng mata
"Hoy! Ikaw nga Maloi e manahimik na lang dyan.
Hindi naman kita kinakausap. Bakit ka sumasabat?"
Nagpameywang naman si Maloi at tinaasan ng kilay si Colet, "Ikaw ang 'wag sumabat! Ikaw ba kinakausap ko? May sinabi ba akong patay gutom ka Colet? Wala naman 'di ba?! Patay gutom lang ang sinabi ko!""Sigurado akong ako ang pinaparinggan mo!"
"Aminado ka naman? Eh 'di sige, ikaw na lang.
Gusto mo palang ikaw." Kalmadong kalmadong sabi ni Maloi.Ginulo naman ni Colet ang buhok niya at lumayo na lang kay Maloi. Talo ang loko.
Matapos naming manuod ng live show starring Maloi and Colet, humarap na ulit ako kay Aiah.
"Aiah? Tara na."
"Uhh. Kasi uwi akong maaga ngayon. May sakit si Stacey 'di ba? Wala pang kasama 'yun."
Ah, oo nga pala. Nakalimutan ko. Sa susunod na araw ko na nga lang ulit siya aayain.
Nagulat naman ako nang biglang umakbay sa amin ni Aiah si Colet, "Sus! Huwag niyo na isipin 'yun.
Sigurado akong nasa mabuting kalagayan ngayon si Stacey.""Paano mo naman nasabi?"
"Basta hula ko lang."
"Kailan ka pa naging manghuhula?"
"Tsk. Basta ayos lang 'yun. Alam ko. Promise!" taas pa niya ng kamay niya.
"Dahil sa ikaw ang nagsabi niyan Colet, walang maniniwala. Kaya Aiah, tara na." Si Maloi na naman.
"Grabe ka makapagsalita. Kanina ka pa ha! Bahala ka! Akala mo naman nagsisinungaling ako."
Hindi pinansin ni Maloi si Colet at inakbayan lang si
Aiah."Hintaying lang natin si Sheena." sabay upo ulit ni
Aiah kaya sumunod naman kaming tatlo.Hindi rin naman nagtagal ay dumating na sila Shee at Gwen.
"Bakit kayo pinatawag?" tanong agad ni Maloi pagpasok na pagpasok ng dalawa.
"Quiz bee." sabi lang ni Gwen.
"Kasali kayo? Sus. Panalo na kayo niyan walang duda. Kayo pinakamatalino sa school," puri ko naman sa kanila. Kapag hindi sila ang nanalo, aba ewan ko na lang.
Umiling si Gwen at napahawak sa batok, "Hindi naman sa school lang ang laban. Regional kasi.
Mukhang bigatin mga kalaban.""Kaya niyo yan. Goodluck sa inyo," sabi ni Maloi habang tumatalon.
"Kaya niyo yan. Goodluck." sabay tayo ni Aiah at tinapik sa balikat ang dalawa. "Nga pala, una na kami ha? Next time na lang tayo kumain sa labas."
Tumango ako, "Sayang naman. Akala ko pa naman sabay tayo ngayon maglalunch, Aiah."
"Ha?" sabay sabay na tanong ng apat. Siniko naman ako ni Aiah dahil doon. Makapagreact naman kasi mga 'to parang sabay lang naman kakain.
"Wala. Mag-uwian na kako tayong lahat."
"Kung gusto niyo sa amin na lang tayong lahat maglunch. Kaya lang baka magutom kayo kasi syempre magluluto pa tapos - "
Hindi pa natatapos magsalita si Shee ay pumayag na kaming tatlo. Hindi naman kami choosy.
Willing to wait din naman.
"Si Jho lang kulang," sabi ni Gwen.
"Hindi rin," bulong naman ni Colet. Nang tingnan ko siya ay nginitian lang niya ako at lumabas na ng classroom. Baliw.
Halos 20 minutes away lang ang bahay nila sa school.
Nang pinapasok nila kami ay agad nagpaalam si
Maloi na aakyatin niya lang daw si Stacey sa kwarto niya habang si Aiah at Shee ay dumiretsyo sa kusina para maghanda ng makakain. Sumunod naman kaming tatlo nina Gwen at Colet sa kusina para tumulong.But... wow.
Hindi ko ineexpect 'to.
Napahinto kaming lahat.
Totoo ba 'tong nakikita ko o joke time lang?
"Guys, wala si Stacey sa kwarto..." Bumagal ang paglalakad ni Maloi nang makarating siya sa dining at unti-unting nanglaki ang mata. "niya," bulong niya.
Kasi naman, sino ba ang hindi magugulat kung makita mo ang kaibigan mong may sakit na nasa dining room at tawa pa ng tawa habang kumakain.
Hindi siya tumatawang mag-isa...
Kasama at katawanan niya si Jho.
What the hell is happening?