Stacey's Point of View
"Ano na ang final plan natin?" tanong ni Aiah.
Nakapaikot ngayon ang chairs namin sa room dahil last subject na at hindi kami inattendan ng masipag naming teacher.
"First, hahanap tayo ng part time job. And second, we'll submit an application form para sa contest sa bayan," sabi ni Shee while counting with her fingers.
"We'll meet sa sabado at 9am para mahaba ang time sa paghahanap and then may dalawang magsusubmit ng form. First, we need to decide what to do about sa contest," dagdag pa ni Gwen sa sinabi ni Sheena.
Nang tumunog ang bell ay hininto na namin at pag-uusap at nagpasya ng umuwi. Pinauna ko na ang tatlo sa pag-uwi kasi kinausap ko pa ang club moderator namin.
Matapos namin mag-usap, paglabas ko, wala na halos tao sa school. Nakauwi na halos lahat ng estudyante. At kung minamalas nga naman, biglang bumuhos ang napakalakas na ulan. Wala man lang pasintabi. Hindi man lang ako hinintay makauwi.
Wala pa akong payong. No choice. Hihintayin ko na lang humina ang ulan.
Sa kasamaang palad, ilang minuto na akong nakatayo pero mukhang mas lalong lumalakas lang
'yung ulan. Kung hihintayin ko pang tumigil 'to baka abutin na ako ng dilim sa school. Tatakbuhin ko na lang.Okay, Stacey. After the count of 3 takbo na.
1... 2... 3...
takbo!
Oh my God. Basang basa na ako. Bakit ba kasi sa dulo ako nagpark? Ang lamig pa!
Nang makasakay na ako ay saka naman nagluko ang sasakyan. Ayaw magstart.
"Shit. Bakit ba ang swerte swerte ko?" sigaw ko at saka pinalo ang manibela.
Wala na. Magocommute na lang ako. Ano panga ba ang matinong gawin bukod dito?
Pagbaba ko ng sasakyan, kahit walang bubong ay hindi na ako nagtangkang tumakbo. Basa na rin naman. Lubusin na. Kung tatakbo ako para saan
ра?Naglalakad ako habang nakayuko at kinequestion ang mundo nang wala na akong maramdaman na tubig na tumutulo sa akin. Pero umuulan pa naman.
Anong nangyari?
"Wala ka sa music video or movies para magsenti sa ilalim ng ulan."
Napahinto at napatingin ako sa nagsalita na siya rin namang nagpapapayong sa akin kaya pala hindi na ako nababasa.
"Senti ka d'yan. Wala lang talaga akong payong, okay?" sabi ko kay Jho. Yes, si Jhoanna nga.
"Saan ang punta mo?"
"Magcocommute," sagot ko at naglakad na ulit.
Hindi pa ako nakakalayo nang bigla niyang akong hilahin papunta sa kotse niya.
"Sakay."
"Huh?"
"Sakay ka na kako. Bingi." Tsk. Narinig ko naman ang sinabi niya. Sinisigurado ko lang. Makabingi
'to. Masungit pa rin talaga.Sumakay naman ako. Sabi niya sumakay daw, eh di ayan. Umikot lang siya at sumakay na rin.
"Oh," sabay abot niya ng tshirt na kinuha niya sa likod ng kotse niya.
"Anong gagawin ko dito?"
"Suot mo malamang. Basang basa ka na." Okay, binabawi ko na ang sinabi kong masungit siya.
Mabait pala. Mabait siya. "Huwag kang tumingin ng ganyan. Hindi dahil sa okay na tayong lahat ibig sabihin nag-aalala na ko sa 'yo. Ayoko lang konsensyahin ako kapag nagkasakit ka. Mamaya sisihin pa ako ng mga kaibigan mo. Isa pa baka kasi pahinaan mo ang aircon dahil sa giniginaw ka na.
Hindi ako sanay ng mahina yan." Wala naman akong sinasabi! Binabawi ko na ulit ang sinabi ko kanina.Tiningnan ko naman siya at tinaasan ng kilay. "Ano pang ginagawa mo diyan? Baka gusto mong bumaba at magpapalit ako."
Bumaba naman siya at nagpayong na lang para hindi maulanan at tumalikod kahit tinted naman ang bintana. Masyadong malaki ang damit niya para sa akin pero comfortable naman at hindi basa so okay lang.
Kinatok ko na ang bintana at pinapasok siya.
"Address mo?"
"Huh?"
"Huh ka ng huh. Address mo kako. Ihahatid na kita. Kung ayaw mo okay lang din naman. Sige lang at bumaba ka na lang at maglakad sa ilalim ng ulan at humanap ng taxi o jeep o bus na masasakyan."
Sinabi ko naman kaagad ang address ko. Ayoko ngang magcommute sa ganitong panahon. Kung umaaraw lang kanina pa ako bumaba dito.
Habang nasa byahe ay tahimik lang kami hanggang sa binasag ko ang katahimikan. Kasi naman nakakabingi masyado. Maski sounds man lang wala.
"Bakit nga pala nasa school ka pa kanina?"
"Dumaan pa kasi ako kay mama."
"Mama? Teacher ba siya doon?"
"Hindi."
"Personnel? Janitress?" Napatingin siya sa akin sandali at saka binalik ang tingin sa daan.
Pinukpok ko naman ang ulo ko dahil sa naitanong ko. "Bobo mo lang, Jhoanna."
She chuckled because of my action. Napatingin naman ako sa kanya.
"Bakit?" tanong niya.
"Marunong kang tumawa?!"
"Oo naman! Ano kala mo sakin?!"
"Isa panga. Tawa ka pa."
"Ayoko nga. Huwag mo nga akong utuin."
Napasibi na lang ako at sumandal na ulit sa upuan.
Pero sandali lang ay humarap ulit ako sa kanya."Ano na kasi mama mo sa school?"
"Principal."
"Ah. Siya pala 'yung principal. Okay." Hmm. Teka...
"Principal?!"Napapreno naman siya bigla dahil sa sigaw ko,
"Shit! Huwag ka ngang sumigaw! Nakakagulat ka.""Sorry."
Hindi na ulit ako nagtanong pagkatapos nu'n.
Highblood ata siya ngayon. Kanina tumawa pa ng kaunti tapos ngayon sumisigaw at nakakunot na naman ang noo."Dito na lang," sabi ko sa kanya nung matapat na kami sa bahay.
Bababa na sana ako nang pinigilan niya ko.
"Bakit?" Wala siyang sinabi at inabot lang sa akin
'yung payong niya. "Paano ka?""Lalabasin ako nila manang. May mga payong naman doon."
"Okay." Bumaba na kong kotse pero bago pa makaalis si Jho ay kinatok ko ang bintana. Binaba naman niya 'yung window sa passenger seat.
Medyo nagbend ako at sinilip siya. "Thank you," sabi ko sabay talikod at takbo papasok ng bahay.