Stacey's Point of View
Natahimik ako at tiningnan si Aiah. Naguguluhan ako. Ano ba ang totoo? Lahat ba ng alam ko ngayon ay mali? Ano nga ba ang totoo? Gulong gulo na ko.
Huminga siya ng malalim at pumikit sandali. "Mali ang nalaman mo."
"Anong mali? Aiah, ipaliwanag mo naman sa akin lahat kasi gulong gulo na ko."
"Kasi Stacey... mali tayo. Mali kami. Alam na natin ang nangyari sa babae at kay Jho. Lahat 'yun ay walang ibig sabihin at hindi rin 'yun ginusto ni Jho. Alam kong nagkakaganyan ka na lang ngayon dahil sa pustahan, dahil sa nasaktan ka."
Humarap siya sa akin at hinawakan ang dalawa kong kamay. "Nasaktan ka dahil ang akala mo napagpustahan ka. Kaya ang ginagawa mo ngayon ay lumalayo sa kanya para mabawasan ang sakit na nararamdaman mo. Pero sa halip na mabawasan, parang lalo lang nadaragdagan."
"We're all wrong, Staku. Misunderstanding lang ang lahat.
Walang nangyaring pustahan. Wala. 'Yung narinig lang pala nila Gwen at Shee ay pustahan ng dalawang babae sa pinanuod nilang series. Walang alam sila Jho na sasagutin mo na dapat siya. Maski hanggang ngayon hindi niya alam na nagkakaganyan ka dahil sa pustahan.""H-ha?"
"Kanina noong nawala kami, kinausap kami nila Mikha.
Nasabi namin ang tungkol sa pustahan. Ni hindi nga nila alam na may ganun pala tayong alam. Sorry, Staku. Kasalanan talaga namin 'to kung bakit kayo nagkaganyan ni Jhoanna. Kasalanan namin kung bakit nasasaktan kayo pareho. Sorry talaga, Staku."Walang pustahan? Ibig sabihin... si Jho...
Akala ko... Akala ko... Mukhang sa aming dalawa siya ang mas nasasaktan ngayon. Nagkakasakitan kami dahil sa maling akala. I'm so sorry, Jho.
******
"Umiyak ka ba?" bulong sa akin ni Maloi habang kumakain ng almusal.
Napatingin naman ako sa kanya at umiling. "Napuyat lang."
Tumango lang siya pero halata namang hindi siya naniniwala sa sinabi ko. Napatingin naman ako sa katapat kong upuan. Wala pa siya. Siguro natutulog pa.
"Nasaan na ba si Jho?" Napatingin ako kay Mikha nang tanungin niya 'yan.
"Tinawag ko na kanina. Baka pababa na," sagot naman sa kanya ni Colet.
Yumuko ulit ako at tiningnan lang ang pinggan habang tinutusok tusok ang ulam ko.
"O, Jho, buti bumaba ka na." Inalis ko ang tingin sa ulam at napatingin sa bagong dating na si Jhoanna. "Ang tagal mo... teka... parang may mali sa mata mo. Umi - "
"Napuyat lang," sagot niya at umupo sa tapat ko.
Napatingin siya sa akin pero iniwas ko kaagad ang tinign ko sa kanya. Nahihiya na kasi ako. Pagkatapos ng lahat ng pananakit ko sa kanya parang hindi ko na siya magawang tingnan ng diretsyo sa mata.
"Parehas puyat," bulong ni Maloi kaya sinipa ko ang paa niya.
"Aw."
"Bakit? Anong nangyari sa 'yo?" tanong sa kanya ni Colet.
"Ha? Ah, may lamok lang."
Nagmadali ako sa pagkain at hindi ko na sila hinintay.
Niligpit ko na agad ang pinagkainan ko saka umakyat sa kwarto ko. Ang hirap pa rin na nasa isang lugar lang kami ni Jhoanna.