Jhoanna's Point of View
Nakatambay kami sa room at tulad kanina ay nakapaikot na naman ang mga silya namin. Si Stacey naman ay wala pa rin hanggang ngayon.
"Nagpunta dito kanina si Ate Cass," sabi sa akin ni Maloi.
"Nakasalubong konga."
"Nakita nga rin niya si Stacey at Jude. Nang-intriga tuloy."
Psh. Narinig ko na naman 'yang pangalan ng asungot.
Siniko ni Aiah si Maloi at pinandilatan. "What?!" iritang tanong ni Maloi. "Alam niyo kasi, guys, hindi naman sa iniinis ko si Jho. Ang akin lang, gusto kong matauhan na 'tong torpeng babaeng 'to. Sagaran na kasi ang katorpehan mo. Medyo nakakainis na.
"Maloi!" saway sa kanya ni Mikha.
"Ano?! Sandali nga kasi. Walang nagsasabi sa kanya ng mga ganitong bagay kaya ako na lang ang magsasabi. Puro kayo pinapangunahan ng takot kay Jho, e." Tumahimik sila at nagpatuloy sa pagsasalita si Maloi. "Alam mo kasi, Jhoanna, ang bagal mo na masyado. Kung mahal mo, hindi mo siya hahayaang makitang may kasamang ibang lalaki."
"Ibang lalaki," pag-uulit ko sa sinabi niya pero pabulong lang.
"Oo, Jho! Ibang lalaki. Hindi lalaking pinsan. Hindi rin lalaking kapatid. Hindi sila magkamag-anak. Hindi sila magkadugo. Hindi mo ba naisip na baka nililigawan na niyang si Jude si Stacey? O ang masaklap pa, baka sila na. Kasi hindi malabong magkagusto si Stacey sa kanya. Kasi siya, kahit hindi pa sila matagal magkaclose ni Stacey, may ginagawa siya. Ikaw? Ano bang ginagawa mo? Wala.
Tinitingnan mo lang siya. Sus! Ano magagawa ng pagtingin tingin mo? Ugh. Nakakainis na kasi." Tuloy tuloy na sabi ni Maloi at ginulo pa ang buhok niya. Bakit ba inis na inis 'to sa akin ngayon?"Pare, tama 'tong si Maloi, e. Walang mangyayari sa 'yo niyan. Try mo naman kasing magparamdam kay Stacey. Ano bang gusto mong mangyari? Ano ba ikinakatakot mo? Rejection?" pagpanig ni Colet kay Maloi.
Hindi ako sumagot kaya pinagpatuloy ni Colet sinasabi niya, "Tsk. Alam ko namang doon ka natatakot, e. Ang mareject. Pero di ba parang mas masakit naman 'yung napunta siya sa iba kasi wala kang ginawa para malaman niyang mahal mo siya. Syempre kung mangyari 'yun paniguradong araw-araw mong pagsisisihan na hindi mo nagawang umamin sa kanya. Kung ang gusto mo talaga ay ang mapunta siya sa iba, sige lang. Ipagpatuloy mo lang
'yan. 'Yung walang ginagawa.""Kaibigan ko si Stacey. Kaibigan din kita. Kung may gugustuhin man akong magkatuluyan, kayo na 'yun. Pero kung ganyan ka ng ganyan, mukhang okay na rin kung kay Jude mapunta si Stacey," sabi ni Maloi at lumabas na. Dinala na rin niya ang bag at mga gamit niya.
Sumunod naman sa kanya si Aiah kaya pati si Mikha ay sumunod na rin. Naiwan akong kasama si Colet, Sheena at Gwen.
"Nainis na nga ng tuluyan sa 'yo si Maloi," iling na sabi ni Colet.
Ilang sandali lang ay biglang pumasok si Stacey sa room.
Lumapit siya sa amin at inikot ang paningin sa room.
"Nasaan na 'yung iba?"
"Nauna na," sagot ni Sheena.
"Ah. Kaya. Nga pala. Hindi muna ako sasabay sa inyo ngayon."
"Bakit?"
Sasagot pa lang sana si Stacey nang may kumatok sa pinto.
Sino panga ba? 'Yung asungot.
"Uy, Jude. Nandyan ka na pala. Tara dito," tawag sa kanya ni Stacey.
Lumapit naman 'yung asungot sa amin at hinawakan siya ni Stacey sa balikat. "Guys, kilala nio naman siguro si Jude. Wala lang pero gusto ko lang siya ipakilala sa inyo ng personal. Ngayon ko lang naisip gawin 'to kahit na kanina niyo pa siya nakikitang pumupunta dito sa room."