06:

6 1 0
                                    

6. Ramdam ko ang bilis ng pagtibok ng puso ko sa sinabi niya kaya ilang beses akong bumuntong hininga. Bakit ako apektado?

“Para maging isa ka rin sa mga alalay na pinagsisilbihan ako,” dugtong niya pa dahilan para blanko ko itong tignan.

Konti na lang bibingo na ‘to.

Akala ko may nararamdaman na agad siya sa akin sa loob pa lang ng isang araw, nagkakamali pala ako.

Teka nga, ba’t ba ako umaasa e wala rin naman akong nararamdaman sa kaniya?

Hindi nito pinansin ang naging reaksyon ko at ipinagpatuloy ang pagmamaneho. Inis kong binuksan ang bintana ng kotse at napapikit sa malamig na simoy ng hangin.

“Malayo pa ba? Sa Amerika ka ba nakatira? Puro puno na ‘to, ah. Balak mo pa bang magcamping  sa gitna ng gubat?” Bagot kong saad dahil halos pitong oras na naming tinatahak ang daan. Ang malala pa ay malayo na kami sa manila dahil puro nagtataasang puno na lang ang nakikita ko. Ala una na ng madaling araw kaya sobra na ang antok ko.

Hindi rin ako makatulog nang maayos dahil panay ang alog ng sasakyan. Kung hindi naman ay bigla siyang pepreno kaya nagigising lang din ako.

Pero gaya ng dati, hindi ako nito sinagot. Ano pa bang aasahan ko rito? Sarili ko lang din naman ang kausap ko.

Habang tahimik na pinapakinggan ang tinig ng mga kuliglig sa labas ay biglang tumunog ang selepono ko kaya kunot noong tinignan ko ito.

Oo nga pala, kanina pa tawag nang tawag si Shanaya.

“Girl nasan ka na?! Kanina pa nag-aalala ang nanay mo rito!” Bungad niya nang sagutin ko ito.

“Heto ikinasal na,” pagmamalaki ko. Inilayo ko ang selepono nang sumigaw ito.

“Ano?! Kasal ka-“

“Anong ikinasal?! Kanina lang pinahiya mo pa ang sarili mo sa kasal ng iba tapos ngayon kasal ka na?!” Napapikit ako sa lakas ng boses ni mama na sumingit sa usapan namin ni Shanaya.

“Niloloko mo ba ako, Celestine?! Umuwi ka rito ngayon na!”

“Hindi ako makakauwi ngayon dahil tinanan na ‘ko ng asawa ko, ma.” Nakuha ko pang magbiro sa galit niyang boses kaya malakas na sermon nanaman ang nakuha ko.

“Tigil-tigilan mo ang pagpapantasya mong babae ka, ha. Kapag hindi ka pa umuwi ngayon dito kalimutan mo nang may nanay ka pa!” Sa inis ko ay iniabot ko ang selepono ko kay Sevi dahil hindi kami matatapos katatalo kapag hindi niya nalaman ang totoo.

Nagtatakang tinignan ako nito kaya napa-irap ako.

“Kausapin mo nanay ko, gusto ka raw makilala,” walang gana kong saad. Walang alinlangang kinuha naman niya iyon bago magsalita.

“I’m sorry if our marriage is sudden and I didn’t have the chance to introduce myself to you, Tita. But I promise your daughter is safe with me and I’ll take the responsibility to take care of her.” Hinablot kong muli ang selepono matapos niyang sabihin iyon.

“See? Bye ma, I’m already married,” huli kong saad at pinatáy ang tawag.

Nevertheless | ✓Where stories live. Discover now