04:

4 1 0
                                    

4. Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko’t pumayag ako sa sinabi niya. Umiiyak na umalis ang bride niya kanina kasama ang mga magulang nito kaya nakokonsensya ako sa ginawa ko. Hindi ko rin alam kung narito ba ang pamilya ng lalaking ‘to dahil wala namang tumutol nang makarating kami sa harap ng altar.

Marami nga lang ang nagbubulungan at nag-uusap pa rin hanggang ngayon dahil sa nangyari.

“You may now kíss the bride,” saad ng pari matapos kaming dadasan at ikabit ang singsing ng bawat isa. Unti-unting itinaas ni Seviro ang wedding veil ko at tinignan ako sa mga mata. Bumaba ang tingin nito sa ilong ko hanggang sa tumitig ito sa labi ko kaya ramdam ko ang pamamawis ng mga kamay.

Don’t tell me he will kíss me for real?

Napapikit ako nang unti-unti niyang inilapit ang mukha niya sa akin habang nakatitig pa rin sa mga labi ko. Matapos ang ilang segundo ay naramdaman ko na ang mainit niyang paghinga malapit sa akin kaya mabilis na pumintig ang puso ko nang hálikan niya ako.

Sa noo.

Bumagsak ang balikat ko sa pagkadismaya.

Paasa.

“Are you expecting me to kíss you on the lips?” Dinig kong bulong niya sa tainga ko kaya dumilat ako at lumayo sa kaniya.

“Why would I? Hindi naman kaakit-akit halikán ang mga labi mo kumpara sa ex ko,” inirapan ko ito at umiwas ng tingin pero dinig ko lang ang pagsinghal nito.

Pero sa totoo lang ay nadismaya talaga ako.

Nevertheless | ✓Where stories live. Discover now