02:

3 1 0
                                    

2. Akmang napapahiyang aalis na sana ako nang makitang naglakad ang groom sa gawi ko kaya lalo akong nataranta. Nang malinaw kong makita ang kabuohan nito ay natigilan ako.

Sh*t, ang gwapo.

Para siyang nakatira sa mga librong nabasa ko. Bagay na bagay sa kaniya ang tuxedo niyang suot. Maputi ito, matangkad, matangos ang ilong, maganda ang mga mata pati ang panga kaya napanganga ako nang titigan siya sa malapitan.

Kung ganito lang din kagwapo ang magiging asawa ko ay pati siya paliliguan ko araw-araw.

Iniling ko ang ulo nang mapagtantong nawawala ako sa sarili dahil sa kalándian ko. Nahihiya akong tumawa rito at pekeng umubo.

“S-sorry, maling kasal pala ang napuntahan ko,” iwas tingin kong saad dahil malamig lamang na nakatingin ito sa mga mata ko.

“Sige tuloy niyo na, alis na ‘ko,” muli kong saad nang hindi siya nagsalita. Tumalikod ako at akmang aalis na pero bago pa man tuluyang maka-hakbang ay naramdaman ko na lang ang isang kamay na pumulupot sa baywang ko.

Nagtatanong ko siyang tinignan. Tumingin lamang ito sa akin ng blanko bago ako iharap sa maraming tao.

“This is the woman I truly love,” saad niya sa malamig na boses. Lalong naguluhan ang lahat at nagpapalit-palit na tumingin sa amin at sa babaeng ikakasal sa harap ng altar na halatang nasasaktan na ngayon.

Sa sobrang lito ay inilapit ko ang mukha ko sa dibdib nito. Matangkad siya kaya tumingkayad pa ako mabulungan lang siya.

“Anong ginagawa mo? Bitawan mo ako, hahabulin ko pa ang kasal ng ex ko,” mahina kong saad dito pero hindi niya nanaman ako pinansin.

“And I’m not going to marry the woman I don’t love,” nakatitig siya babaeng ikakasal nang sabihin niya iyon kaya lalo itong nasaktan.

Kahit ako masasaktan kapag ganito ang nangyari sa araw ng kasal ko.

Muli siyang tumingin sa akin. Natigilan ako dahil muntikan nang magdikit ang mga labi namin kaya itinigil ko ang pagtingkayad bago siya namumulang tignan.

“10 million, just marry me and I’ll take the responsibility to be your child’s father.”

Nevertheless | ✓Where stories live. Discover now