52:

1 0 0
                                    

52. Nalipat ang tingin ko sa taong sumira ng pinto sa silid na kinaroroonan namin. May bitbit itong báril at matalim na nakatingin kay Shanaya kaya natigilan ang babaeng nasa harap ko at gulat na tinignan ito.

“S-seviro…” hindi makapaniwala niyang saad. Ibinaba ni Shanaya ang katana at napa-atras nang maglakad si Sevi sa direksyon niya.

Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko ngayon nang makita ang lalaking matagal ko nang hinihintay. Pakiramdam ko nanaman ay ligtas na ako ngayong narito siya kaya tila nabunutan ako ng tinik sa katawan.

Aminin ko man o hindi, talagang may nararamdaman na ako sa kaniya.

Akala ko mag-isa lang siyang pumunta rito pero nang makita ang babaeng panibagong dating ay muling kumirot ang dibdib ko.

Kasama niya si Zanaira.

Iniwas ko ang tingin nang tumitig ito sa kabuohan ko. Lumapit siya para tanggalin ang lubid na nakapulupot sa katawan ko at tinanong kung ayos lang ba ako kaya tipid lang akong tumango habang hindi pa rin ito tinitignan.

Kaya siguro siya nagustuhan ni Sevi dahil pati ang mahinhing ugali niya ay naaayon sa maamo niyang mukha.

Di hamak na lugi ako.

“Seviro… it’s me. Hindi mo ba ako naaalala?” Muling natuon ang atensyon ko sa nagsalita. “Ako ‘yung babaeng isa sa mga nagpakuha ng litrato kasama ka,” pagpapaliwanag ni Shanaya. Lumapit ito kay Sevi pero umatras naman ang huli kaya kita sa mga matang nasasaktan siya.

There’s really something wrong with Deáthale.

“I don’t f*cking know who you are. Why are you doing this? What do you want from my wife?”

“Let’s just k*ll that woman and start your life with me… I can do all the things you wanted me to do, just marry me… wala kang makukuha sa babaeng ‘yan pero ako kaya kong ibigay lahat ng gusto mo…” napasinghal si Sevi sa narinig at hindi makapaniwalang tinignan si Deáthale.

Tinignan ko rin nang mabuti si Shanaya at agad na nakumpirma ang hinala nang makita ang nakaukit na simbolo sa katanang hawak niya.

I knew it.

“You’re really out of your mind,” kinasa ni Sevi ang báril at itinutok iyon kay Shanaya pero agad akong tumakbo para harangan ito sa binabalak niya.

“What are you doing, Celestine?!”

“Patáyin mo muna ako bago mo patáyin ang kaibigan ko,” malamig kong saad at itinutok ang bunganga ng báril na hawak niya sa noo ko.

“You’re now siding with the woman who’s eager to k*ll you? What’s wrong with you?!”

“You can’t k*ll her,” huminga ako nang malalim at inilipat ang tingin kay Zanaira bago muling tumingin sa kaniya.

“What?”

Walang simbolong bitwin ang katana ng taong gustong pumatáy sa akin.

He can’t k*ll Shanaya because she’s not the real Deáthale.

Nevertheless | ✓Where stories live. Discover now