91:

1 1 0
                                    

91. Napahiyaw ako sa sobrang sakit ng nararamdaman. Nanginginig kong nilapitan ang nanay ko at iniangat ang ulo nito, nagbabakasakaling idilat niya ang mga mata niya pero bigo ako. Hindi lang ilang tama ng báril ang nangyari dahil mayroon ding malaking hiwa sa leeg niya dahilan para umagos ang malapot na dugó rito nang galawin ko siya.

“M-ma…” tinapik ko ang pisngi niya pero wala akong nakuhang sagot dito kaya napahagulgol ako. Mahigpit ko siyang niyakap at hindi inalintana ang mga dugòng kumapit na rin sa mga damit ko bago ibaling ang tingin sa dalawa ko pang kapatid.

“B-baby, S-shaina, please w-wake up, nandito n-na si ate… b-bibilhan ko p-pa kayo ng m-maraming candy diba?” Pero gaya ng nanay ko ay wala rin akong nakuhang tugon. Lalo akong napaluha nang makita ang luha ni Shael na tumulo sa mga mata niya kahit wala na itong malay. Mayroon siyang tama ng báril sa noo samantala sa dibdib naman si Shaina kaya kumirot ang puso ko.

Pakiramdam ko kasalanan ko nanaman ang lahat.

“S-shael… m-manonood pa tayo ng c-cartoons, diba?” Mahina ko itong inalog pero kahit anong gawin ko ay wala na ang pintig ng mga pulso nito. Hinalikán ko ang kamay niyang nilalamig na maging ang katabi niyang si Shaina at idinikit iyon sa magkabilaang pisngi ko.

Tángina ang sakit.

Pakiramdam ko wala akong karapatang maging masaya dahil kinukuha ang lahat sa akin.

Ilang minuto akong humagulgol bago muling balingan ang nanay ko.

“I-i’m sorry, ma… P-please, w-wake up,” pinunasan ko ang mukha nito na halatang galing lang sa pag-iyak bago siya mawalan ng buhay.

“W-we didn’t tell you w-what happened to us yet…” I cupped her face and emotionally stared at her, “I’m willing to do anything you want just wake up. H-hindi mo ako pwedeng iwan…”

“Paano n-na ako uuwi rito u-ulit kung wala na kayo?”

“I’m s-sorry for lying… h-hindi mo pa nakilala s-si Sevi, diba?” Humikbi ako, “W-we h-haven’t ask for your b-blessing yet… please wake up,” umiiyak kong saad habang yakap siya.

“Y-you can’t leave me… ikaw lang ang nag-iisang magulang ko.”

“K-kailangan mo pa akong ilakad sa h-harap ng altar kapag ikinasal kami ulit…p-please…”

“I-i’m begging…”

Ilang minuto akong nanatili sa tabi niya’t nagbabakasakaling magigising sila kahit na alam kong niloloko ko lang ang sarili ko. Tulala akong tumayo pero napunta ang tingin ko sa kamay niyang may hawak na papel kaya kinuha ko ito bago buklatin.

“Patawad, anak kung ganito ang pakikitungo ko sa inyo. Gusto lang ni mama na makita kang masaya dahil ilang beses na kitang nakikitang umiiyak gabi-gabi noon kapag sinasaktan ako ng papa mo. Gusto lang ni mama na makahanap ka ng lalaking totoong magmamahal sayo… ayokong magaya ka sa amin dahil masakit sa aking makita kang umiiyak. Patawad kung kailangan mo kaming makitang ganon. Mahal kita, tandaan mo ‘yan kahit na hindi tayo tunay na magkadugo.

Alam ko na kung ano ang tunay mong relasyon kay Seviro dahil nakiusap na siya sa akin noon pa lang. Pumapayag ako sa relasyon niyo dahil nakita ko kung gaano ka kamahal ni Seviro… ngayon lang din kita nakitang naging masaya kaya sobrang saya ko para sa iyo dahil alam kong hindi ka niya sasaktan. Doon pa lang kampante na ako kahit wala na ako sa tabi mo.

Patawad kung hindi na kita makikitang nakasuot ng puting gown sa harap ng altar… patawarin mo ako iiwan na rin kita… kayo na lang ang nagsisilbing lakas ko kaya huwag na huwag mong hahayaang masaktan ang sarili mo. Mahal kita Celestine…

…patawarin mo si mama.”

Nevertheless | ✓Where stories live. Discover now