40

1 0 0
                                    

40. “I don’t like that one, it’s pink.” Pagmamaktol ni Sevi nang kunin ko ang maliit at cute na dress na kulay rosas. Kumuha rin ako ng kulay asul na damit para hindi na siya umangal pero hindi manlang nagbago ang ekspresyon nito.

“Just buy the blue one. Ibalik mo iyang pink, hindi babae ang anak natin,” kinuha niya ang asul na damit at inilagay iyon sa cart at ibinalik ang dress kaya nakataas ang kilay na tinignan ko siya.

Narito kami ngayon sa mall dahil naisipan kong mamili na lang ng mga gamit para sa anak ko dahil wala naman kaming gagawin buong maghapon ni Sevi sa bahay kundi ang tumunganga.

“Namimili ka na ng kulay eh hindi mo pa nga alam kung babae o lalaki ang anak ko.” Sermon ko rito.

“He’s a boy. He should be,” kumuha ulit siya ng mga damit na kulay asul sa isang estante maging mga lampin na may disentong panlalaki.

“Paano kung babae?” Kunot noong tanong ko rito.

“Gagawa’t gagawa tayo ng bago hanggang sa magkaroon tayo ng anak na lalaki.” Seryoso pa ang pagkakasabi niya kaya napa-awang ang bibig ko. Tarántado ‘to hindi marunong magpreno ng bibig.

“You’re insáne,” hindi makapaniwala kong saad habang pinapanood siyang tila nagpapanic buying sa puno ng cart na tulak niya. Bawat lahat ata ng makikita niyang gamit na kulay asul ay kinukuha niya kahit na hindi naman kailangan ang iba.

Dinig ko ang pagtawa ng mga kasama namin sa likuran kaya tinignan ko ang mga ito nang masama kaya napataas sila ng kamay, tila sumusuko. Nagsama kasi ng sampung Hokiyan si Sevi para protektahan daw ako sa anumang puwedeng mangyari. Alam ko namang kaya niya akong protektahan kahit siya lang mag-isa pero mapilit siya kaya sumabay na lang ako sa pagiging over niya. Puro naka-itim ang mga ito at walang maskara na suot kaya lantad ang mukha nila.

Baka kasi pag nakamaskara sila’y pag-isipan kaming baliw ng mga taong narito.

“Saan na tayo ngayon?” Tanong ko nang matapos naming mamili. Magsasalita na sana ito nang makarinig kami ng isang malakas at nakabibinging putok ng báril. Kinakabahang tinignan ko si Sevi kaya hinawakan nito ang kamay ko.

“Check the area,” utos ni Sevi sa isang lalaki bago ito tumango at umalis. Napahigpit ang kapit ko sa kaniya nang muli kaming makarinig ng tatlong sunud-sunod na putok.

“Stay behind me. Don’t you ever disappear from my sight,” saad niya habang iginagala ang tingin kaya tumango ako. Maraming tao ang natakot kaya nagkaroon ng stampède sa loob ng mall dahil lahat ay nagpapanic. Mahigpit kong hinawakan ang laylayan ng damit ni Sevi dahil pati ako ay natatakot na rin.

Pero wala akong magawa.

“Grave, Deáthale is here!” Sigaw nung lalaking inutusan ni Sevi nang makabalik ito. Namutla ang mga labi ko sa sinabi niya’t tila nagsi-akyatan ang lahat ng dugo sa ulo ko.

“Sh*t,” Mariing hinawakan ni Sev ang kamay ko habang pilit akong itinatago nito sa likod niya nang makitang may naglabasang mga taong naka pulang maskara na may simbulong trayanggulo sa noo at nakangingilabot na nakatitig sa amin. Sa dami ng mga ito ay tiyak akong hindi na kami maka-aalis pa ng buhay rito.

Nangilid ang mga luha ko sa takot habang nakatitig sa mga lalaking nakamaskara sa amin. Ramdam ko ang panginginig ng mga kamay ko kaya napakagat ako ng ibabang labi dahil sa inis.

Inis sa sarili ko dahil hindi ko manlang kayang protektahan ang sarili’t anak ko.

“Relax, I’m here. Everything’s gonna be okay.” Pag-aalo ni Sevi sa akin nang mapansin ang takot na nararamdaman.

Hindi nagtagal ay nagsimulang magpa-ulan ng balá ang mga lalaki kaya napasigaw ako. Hinatak ako ni Sevi sa papasok sa isang store at itinago ako sa isa sa mga estanteng nakatayo.

“No matter what happens don’t leave here, babalikan kita,” seryosong saad niya matapos halikán ang noo ko. Sinigawan ko itong bumalik pero hindi ako nito pinansin at nagsimula na ring kunin ang báril niyang nakatago lang sa ilalim ng kaniyang damit.

Tánginá, sa puntong ‘to napaka walang kwentá kong tao.

Sumilip ako sa mga butas ng estante at napasinghap nang makitang ang tatlong kasama namin ay wala nang malay na nakahandusay sa sahig. Glass mirror lamang ang nagsisilbing pader ng store na kinaroroonan ko kaya kitang-kita ko kung paanong walang kahirap-hirap na bárilin ng isang nakamaskara ang kasamahan namin.

Napatakip ako ng bibig sa takot. Tinignan ko si Sevi na isa-isang pinaulanan ng mga bála ang mga kalaban niya kaya isa-isa rin itong napahandusáy sa sahig.

Pero kahit gaano ata karami ang bárilin niya ay hindi ang mga ito nauubos dahil may mga panibago nanamang nagsidatingan. Bakas na ang pagod sa mga kasamahan ni Sevi kaya lalo akong nag-aalala sa kaniya dahil baka hindi niya kayanin ang lahat ng ito.

Pito na lang sila pero halos nasa isang daan pa ang kalaban nila.

Natigilan ako nang madako ang tingin sa isang babaeng naka suot ng pulang hanggang paang balabal habang may maskarang pula rin sa mukha. Nakatago ito sa malaking poste sa gitna ng mall kaya hindi ito madaling makita pero klarong-klaro sa akin kung paanong magpalit ang kulay ng mga mata nito mula sa itim na naging pula.

Siya si Deáthale!

Hindi ako maaaring magkamali dahil may ipinakitang larawan ni Deáthale sa akin si Sevi.

Napayakap ako ng braso sa kilabot nang tumingin ito sa gawi ko. Mabilis akong yumuko para hindi niya ako makita. Hindi ko alam kung nakita niya ba ako kaya nang maramdamang wala namang nangyari ay ibinalik ko ang tingin kay Deáthale na ngayon ay may hawak ng báril habang nakatutok ang mga iyon kay Sevi na walang kamalay malay dahil nakikipag palitan pa rin ito ng bála sa mga taong nakapulang maskara.

Nanlaki ang mata ko nang unti-unti niyang kalabitin ang gatilyo, “Sevi sa likod mo!” Malakas kong sigaw pero hindi ako nito narinig sa lakas ng putok ng báril. Akala ko papuputukan na nito si Sevi pero agad akong natigilan nang baguhin nito ang direksyon ng báril niya sa gawi ko.

Hindi ko alam kung anong ang gagawin dahil tila naubusan ako ng hininga habang takot na nakatingin sa nguso ng báril na nakatutok sa akin. Gusto kong isigaw ang pangalan ni Sevi at humingi ng tulong nito pero walang lumalabas na kahit ano sa bibig ko.

Unti-unting nagsilabasan ang mga luha sa mga mata ko habang nanginginig na nakatulala sa báril na papatáy sa akin.

“N-no…” takot kong saad nang ilipat niya ang pagtutok sa tiyan ko. Umiling ako habang patuloy pa rin sa pag-iyak nang unti-unti nitong kalabitin ang gatilyó.

“S-sev…” nanghihina kong saad. Napatingin si Sevi sa akin kaya lalong lumakas ang agos ng mga luha sa mata ko.

“Celestine!” Akmang babarilin niya si Deáthale nang maunahan siya ng isang lalaki na bárilin ang braso niya dahilan para matumba ito sa sahig. Umiling ako sa sakit na nararamdaman. Sinubukan kong ilagan ang nakatutok sa akin pero huli na ang lahat nang tumama ang limang sunud-sunod na bala nito sa gawi ko.

Sa sinapupunan kung nasaan ang apat na buwan ko nang dinadalang sanggol.

Nevertheless | ✓Where stories live. Discover now