30:

1 1 0
                                    

30. “What?” Saad ni Sevi sa selepono nang magring ito bago ko pa man siya sagutin. Muling lumamig at blanko ang ekspresyon niya kaya kuryosidad ko siyang tinignan.

“Tell them I’m busy. I’ll go there once I’m done with my business here,” pinatay niya ang tawag at muli akong tinignan.

“I ordered the Hokiyans to find the person who’s eager to kill you.”

“So, what happened?”

“Nalaman na nila kung sino ang nasa likod ng lahat.” Natigilan ako sa sinabi niya at natulala. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o matatakot ngayong alam na nila ang totoo.

“R-really? Who?”

“It was Deáthale, ang taong nangunguna sa top 10 Elites.”

Tila binuhusan ako ng malamig na tubig nang marinig ang pangalan niya. Nabanggit sa’kin ni Sevi na ang 10 Elites daw ay ang mga sampung pinakamalalakas at delikadong Hokiyan sa Hokiya bukod pa sa Hari’t Reyna. Sila rin ang mga taong kinatatakutan ng lahat kaya ilap ang mga Hokiyan kapag nakikita nila ang mga ito.

Si Deáthale ang pinaka-una dahil bukod daw sa malakas ito ay siya rin ang pinaka-kinatatakutan ng lahat sa dami na ng taong napatáy niya kahit na babae siya. Lahat ng Hokiyan na humahamon sa kaniya ay namamatáy kaya ni isa’y wala pang nakakatalo rito.

Maging si Sevi ay hindi alam kung gaano ito kalakas dahil hindi pa naman niya ito nakakalaban.

Pero kahit sa tagal nang naging miyembro ni Deáthale sa Hokiya Clan, ni isa ay wala pang nakakakita ng mukha niya dahil lagi itong may suot na pulang maskara.

Hindi alam ni Sevi ang rason kung bakit niya ito ginagawa dahil hindi naman daw sakim sa kapangyarihan ang babaeng ‘yon kaya pala-isipan pa rin kung bakit ako ang pinupuntirya niya.

“Where is she, then? Am I safe now?” Kilabot kong saad matapos ang ilang minutong pananahimik.

“No.”

“Bakit?”

“Pinatáy niya ang mga Hokiyan na inutusan ko nang malaman niyang pinapahanap ko siya sa mga ito. After that, she suddenly disappeared. Nawala siya bigla matapos niyang malamang hinahanap ko siya.” Lalo akong nangilabot sa sinabi niya kaya naramdaman ko ang panlalambot ng tuhod ko. Inalalayan niya akong umupo sa kama at hinawakan ang magkabilaang balikat ko.

“Mas lalong naging mapanganib ang buhay mo, Celestine. Hindi natin alam ang susunod niyang gagawin o kailan siya babalik.”

“W-what are we going to do, then?”

“I need to go to Hokiya first. I need to see the deád bodies to investigate. Isasama kita bukas pagpunta ro’n kaya matulog ka na.” Umiling ako sa sinabi niya.

“You can go there now, Sevi. You can’t waste time especially now.”

“It’s late. Bawal sa ‘yong magpuyat.”

“I didn’t say I’m coming with you. Ayos lang ako rito, pumunta ka na ro’n dahil alam kong kailangan ka ng mga tao ro’n.”

“You need me the most.” Pagmamatigas niya pero muli akong umiling.

“I promise I’m okay.” Ilang beses pa siyang nakipagtalo sa akin pero sa huli ay napilitan din dahil hindi ko ito tinigilan. Hindi ko alam kung kailan ulit babalik si Deáthale kaya hindi ako mapakali kapag bumabagabag pa rin sa isip kong nasa peligro ang buhay namin ng anak ko.

“Don’t hesitate to call me if something’s wrong.” Huli niyang saad bago ako iwan sa kwarto.

Nevertheless | ✓Where stories live. Discover now