89

1 0 0
                                    

89. “Hoy gumising na kayo riyan! Tanghali na nagpapakabuhay mayaman pa!” Simangot akong napa-ungól sa malakas na boses ng nanay ko sa labas. Tinignan ko ang orasan at nakitang alas kwatro pa lang kaya bagot akong bumalik sa pagkakahiga at pumikit.

For Pete’s sake, ang aga pa!

“Celestine! Anong balak mo?! Magmumukmok ka na lang diyan?!” Malakas niyang binuksan ang pinto at pinaghahampas ako ng unan kaya inis ko itong tinignan.

“What’s wrong with you?! Ang aga pa, ma!”

“Anong maaga?! Baka nakakalimutan mong nasa pamamahay kita?! Wala ka sa manila kaya tigil-tigilan mo ang pagbubuhay prinsesa!”

“Tángi-“

“Bilisan mo riyan dahil marami kayong ibebentang kakanin sa ibaba!” Tumayo ako’t tinignan siya.

“What?”

“Kayo ang maglako ng mga tinda ko dahil mamamalengke kami ng mga kapatid mo.”

“Héll no! Hindi marunong magtinda si Sevi, ma! Tsaka hindi ka ba nahihiya? He’s not even your son, why would you let him do that?” Kinurot niya ako sa tagiliran kaya lalong nagising ang dugó ko.

“Pakialam ko sa katayuan ng lalaking ‘yon? Tumayo ka na riyan bago tuluyang mag-init ang ulo ko sa inyo.”

“But-“

“Is she awake?” Pareha kaming napatingin sa pinto. Agad akong napapigil ng tawa nang makita ang suot ni Sevi habang may bitbit na isang malaking bilao.

Nakasuot ito ng t-shirt at isang lumang short na tingin ko ay ang dating kasuotan ng tatay ko.

“Anong- bakit ganiyan ang suot mo?!” Natatawa kong saad kaya bumusangot ito. Bagay na bagay naman, natawa lang ako dahil ngayon ko lang siyang nakitang nagsuot ng ganiyan.

“Ako ang nagpasuot sa kaniya niyan, may problema ba?” Napasapo ako ng noo dahil sa kalokohan ng nanay ko.

“Walang kwenta ang mga mamahaling kasuotan niyo rito, iho. Tsaka sinong shungá ba ang magsusuot ng tuxedo habang may bitbit na bilao? Pag-iisipan ka lang na baliw ng mga tao rito.” Sumimangot si Sevi sa akin na tila nagsusumbong pero dismayang umiling lang ako dahil wala akong magagawa sa gusto ng nanay ko.

“Hayaan mo na, guwapo ka pa rin naman,” mahina at pilyo kong saad dito.

“Anyway, did you sleep well?” Bakas ang maiitim na pamunglo sa ilalim ng kaniyang mga mata at tila stréss na kaya tinanong ko ito.

“How could I? Ang sakit na sa likuran ng higaan tapos hindi pa kita katabi. Buong gabi tuloy akong gising,” busangot niyang saad kaya natawa ako.

“Mauubos ba ng paglalampungán niyo ang mga kakanin ko?!”

Agad kong hinatak si Seviro nang makitang kumuha ng hanger ang nanay ko. Minsan tuloy ay napapa-isip ako kung sino ang mas bata sa amin ng mga kapatid ko dahil parang nasa akin lagi ang tingin niya.

Natatawa akong napatingin kay Sevi na wala nang emosyon ngayon. Nanay ko lang pala ang katapat para matanggal ang angas nito.

-

“Hey, kid. Do you want to buy a rice cake?” Kumunot ang noo ng bata dahil hindi nito naintindihan ang sinabi ng kasama ko. Maya-maya pa ay kamot ulong umalis ito at kakaiba kung tumingin kay Sevi na tila pinag-iisipan na báliw na ang isang ‘to.

Ilang beses na akong bumuntong hinga. Kanina pa kami naglalakad pero ni isa ay wala pang nabebenta dahil sa kaartehan niya.

“Paano ka makakabenta kung pati paglalako ng biko inaartehan mo? Akin na nga ‘yan!” Pero sa pitong pagkakataon ay binawi niya ito. Napasuklay ako ng buhok sa inis dahil baka raw pagalitan siya ng nanay ko kapag nalaman nitong hindi siya ang nagbenta sa mga biko. Siya raw kasi ang inutusan kaya dapat siya rin ang mag-ubos.

May nakasalubong kaming bata kaya muli niya itong inalok pero hindi pa man natatapos ang sinasabi niya ay umiyak ito. Natakot ata.

“‘Yan! Sinasabi ko sayo eh. Napakatigas ng ulo, Seviro!”

“Shh, don’t cry. Here, sayo na,” binigyan niya ng dalawang biko ang bata na agad naman itong tinanggap at tumahan sa pag-iyak pero may batang babaeng nakakita sa ginawa niya.

“May kapitbahay! May libreng bikong pinamimigay!” Maya-maya pa ay maraming taong naglabasan mula sa mga kaniya-kaniya nitong mga bahay at dinumog ang bilao na dala ni Seviro. Nanlaki ang mata ko matapos nang makitang wala nang natira ni isa sa paninda kaya hinampas ko ito.

“Anong ginawa mo?!”

“Binigyan ko lang ang bata para tumahan, I didn’t expect them to get one as well,” pagpapaliwanag niya habang nakatingin sa bilao niyang wala nang laman.

“Sinabi ko ibenta! Hindi ipamigay! Jusko, Seviro! Hindi ka uunlad kapag nagtayo ka ng negosyo!” Nataranta ako dahil tiyak akong magngingitngit nanaman sa galit ang nanay ko.

“Humanda ka kay Tanya, ipinamigay mo ang mga kakanin niya.”

Nevertheless | ✓Where stories live. Discover now