61:

1 0 0
                                    

61. Celestine’s POV

Wearing a simple dress enough to show my porcelain skin, I took a sip in my winé while staring at the guy who was drinking alone in the corner. The dim lights are enough for me to recognize his face.

From the way he looks, masasabi kong hindi nawala ang kaguwapuhan niya kahit na mukha siyang problemado sa buhay ngayon. Ano nanaman kaya ang problema ng taong ‘to?

Nang makabalik sa Pilipinas ay naisipan ko munang dumiretso rito sa isang bár na matagal ko nang pinupuntahan para subaybayan ang taong kasama sa mga hinahanap ko. Noong naghiwalay kami ni Sevi ay umalis na rin ako sa Hokiya kaya wala na akong koneksyon pa sa kanila.

Hindi ko na rin naisipan pang bumalik dahil wala na akong oras pa sa paglutas ng kaso ng iba ngayong sarili kong kaso ay hindi ko masolusyunan. Abala rin ako sa pag-eensayo’t paghahanap kay Deáthale at sa isang taong gusto ring pumatáy sa akin kaya sapat na ang tatlong taon na iyon para malaman kung sino ba talaga sila.

Dahil ngayon ay malinaw na sa akin ang lahat.

Isa ring Hokiyan ang isa pang taong gustong pumatáy sa akin at ang nakasasabik pa ay isa rin ito sa mga elites.

Tumayo ako para lapitan ang lalaki at kinuha ang alak na dapat ay iinumin niya. Irita ako nitong tinignan pero nang maki ang mukha ko ay nalaglag ang panga niya.

“The héll, totoo ngang nakabalik ka na,” hindi makapaniwala niyang saad kaya tipid akong natawa.

“You now know how to smile, huh.” Nawala ang ngiti sa labi ko at malamig siyang tinignan.

“Relax, I’m just joking.”

“Why do you look like so problematic today?” Pang-iiba ko ng usapan.

“Ikaw ba naman mangulila ng tatlong taon sa ’yo, sinong hindi mamomroblema?” Seryoso niyang tanong kaya napangiwi ako.

Muli itong natawa sa naging reaksyon ko, “Anyway kumusta ka na? It’s been three years, I guess? Have you already found them?” Turan niya kila Deathale. Alam niya rin ang lahat ng plano ko. Nagpangalumbaba ako sa mesa at pinanood ang mga taong sumasayaw sa dance floor. Ang iba ay halatang lasing na, mayroon ding mga taong may sariling mundo na tila walang pakialam sa mga taong nakapaligid sa kanila habang naglalámpungán sa isang gilid.

“They’re a pain in the **s.” Natawa siya sa sinabi ko at umiling. Nanatili lang akong nasa harap ang tingin habang inaalala ang susunod kong gagawin. 

“So, what’s your plan?”

“I heard there will be a battle between the King and an unknown Hokiyan tonight,” imporma ko. Nabalitaan ko kasing may laban si Sevi sa isang Hokiyan na hindi nagpakilala kung sino. Nakatanggap lang daw ng sulat si Sevi na hinahamon siya nito kaya wala siyang nagawa kundi pumayag na lang dahil isa iyon sa mga patakaran nila. Ang bawal tumanggi sa kahit na sinumang hahamon.

Umarko ang kilay niya, “So?”

“Ano nanaman bang kalokohan iyang naiisip mo?” Duda niya pang tanong nang makita niya ang pilyo kong ngiti.

“Wala lang, I’m just planning to introduce myself to them,” hinawakan ko ang magkabilaang pisngi habang nakapangalumbaba pa rin sa lamesang katapat.

“What?”

“They deserve to know that their former queen is back, anyway,” napasinghal si Elion sa sinabi ko.

“Today is not the right time to show yourself to them, Celestine. Alam mong masiyado pang delikado dahil hindi mo pa nahahanap ang mga taong natatangka sa buhay mo.”

“Bakit? Pati ba ikaw walang tiwala sa akin?” TInignan ko siya, “Besides I just want to watch my ex-husband’s fight,” nang-aasar kong saad at muling minom ng alak. Nagbago ang ekspresyon sa mukha niya at galit akong tinignan. Nagulat ako nang bigla niyang iharap ang mukha ko sa kaniya at inilapit ang bibig sa tainga ko, “Don’t make me jealous, Celestine. You are now already mine.”

Nevertheless | ✓Where stories live. Discover now