60:

1 0 0
                                    

60. END OF FLASHBACK

Tahimik na nakatitig ang isang lalaki sa larawan na nakadikit sa isang pader tabi ng isang mesa kung saan may nakapatong na ilang bote ng wine. Nilagok niya ang laman ng isang kopita bago muling nagsalin at tulala iyong inikot para maghalo ang pait at lamig ng alák na hawak. Hanggang ngayon ay masakit pa rin sa kaniyang iniwan siya ng asawa kaya labis ang pagsisisi niya kung bakit hinayaan niya itong umalis mag-isa ngayong alam niyang delikado ang buhay niya.

Tatlong taon na ang nakalilipas mula noong maghiwalay sila at hindi na muling nagkita pa. Sinubukan niya itong hanapin pero wala na itong balita at tila naglaho na lang ng parang bula. Hanggang ngayon ay nag-aalala pa rin siya dahil hindi pa rin nahahanap ang babaeng nagtatangka sa buhay ng asawa.

Hinilot niya ang sentido nang muling mamuo ang kaniyang galit sa sarili.

Kung hindi niya lang sana pina-iral ang galit niya noon ay hindi sana sila magkakaganito. Mula kasi noong nalaman niya ang sikreto ng asawa ay naisip niyang huwag munang magpakita pa para maibsan ang galit na namuo sa dibdib niya.

Alam niyang masasabihan niya ito ng masasakit na salita kaya lumayo siya dahil ayaw niya itong saktan.

“Mr. Ferriétero,” naputol ang malalim niyang pag-iisip sa lalaking nagsalita na kararating lamang. Walang emosyon niya itong tinignan.

“We found this information at O’Hare International Airport earlier,” iniabot ng lalaki ang isang tablet kaya kinuha niya iyon at tinignan ang isang file na nakabukas.

“These are the lists of the people who have flight from the other countries to the Philippines today…” Isa-isa niyang binasa ang lahat ng pangalan na naroon at natigilan nang makita ang pangalan ng isang babaeng matagal na niyang hinahanap.

Ramdam niya ang mabilis na pagtibok ng kaniyang puso sa sobrang tuwa kaya bakas ang saya sa mga mata nito dahil sa loob ng tatlong taong pangungulila, alam niyang hindi nasayang ang paghihintay niya sa babaeng matagal na niyang hinahanap.

Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman sa nalaman. Maraming tanong sa isip niya ang bumabagabag sa dibdib ngayong dumating na ang araw na pinakahihintay niya.

Kumusta na kaya siya? Dapat ba siyang matuwa? O malungkot kapag nakita niya na ito nang harapan?

Galit pa rin ba ito hanggang ngayon sa kaniya?

Babalik pa kaya sila sa dati kapag muli silang nagkita?

O baka naman may iba nang minamahal ngayon ang dati niyang asawa kaya ngayon na lang ulit ito nagparamdam?

Hindi niya alam. Pero sa dami ng tanong sa isip niya ay mas pinili niya muna iyong alisin dahil mas namumutawi sa kaniyang dibdib ang saya.

“My wife is back,” bakas ang tuwa sa mga matang tinignan niya ang lalaking kaharap.

“Celestine is finally back…”

Nevertheless | ✓Where stories live. Discover now