71:

1 0 0
                                    

71. I remained silently crying until the rain stopped. It’s already two at midnight but I don’t want to leave yet because until now, I’m still hoping that I’m just dreaming.

Umaasa pa rin akong magigising ako sa bangungot na ‘to.

Tuyo na ang damit at katawan ko pero hanggang ngayon ay nakatitig pa rin ako sa lapida niya sa takot na baka kapag inalis ko ang tingin ay mabubuhay siya’t iwan ako nang hindi ko namamalayan.

Aminin kong báliw na ako dahil kung anu-ano na ang pumapasok sa utak ko, pero anong magagawa ko? Nilamon na ako ng konsensya at galit sa sarili ko.

Nanatili pa ako roon ng ilang minuto bago ko pagpagan ang damit at tumayo. Inayos ko muna ang mga bulaklak sa gilid ng lapida niya at kinuha ang mga litrato naming dalawa na nabasa rin ng ulan.

Malungkot ko itong tinitigan.

“I don’t know where you are but I hope you’re okay and happy there,” muli nanamang nangilid ang mga luha ko kaya agad ko itong pinunasan. Sa huling pagkakataon, hinawakan ko ang lapida niya bago siya tuluyang talikuran.

Sobrang sakit.

Inalalayan ako ng driver nang makita niyang nanlalambot ang mga tuhod ko at maingat akong pinasakay sa passenger seat ng kotse. Tahimik akong dumungaw sa bintana habang namumugto pa rin ang mga mata. Ilang minutong nabalot ng katahimikan ang loob ng sasakyan kaya tinignan ko ang driver kung bakit hindi pa rin nito pina-aandar ang kotse.

Tila may gusto itong sabihin sa akin pero nag-aalangan siya kaya ako na ang unang nagsalita.

“What is it?” Malamig kong saad at tumitig sa mga mata niya.

Nag-iwas ito ng tingin.

“I just received a text from Hokiyans…” kumunot ang noo ko.

Matagal na akong walang koneksyon sa mga Hokiyan na iyon matapos ang pangyayari sa aming dalawa ni Sev kaya ngayon ay lubos akong nagtataka kung bakit sila mismo ang muling nagdugtong ng koneksyon sa pagitan namin.

“They just thought you need to know this-“

“Just straight to the point,” Irita kong saad dahil ang dami niya pang pinaliliguy-ligoy.

Huminga siya nang malalim at diretsong tumingin sa akin, “He is awake.”

Tila binuhusan ng malamig ang katawan ko sa narinig.  Ilang beses kong pinaulit-ulit ang sinabi niya sa utak ko kung tama ba ang nadinig at agad na kumabog ang dibdib sa napagtanto.

He’s still alive.

After two years in a comma, he is finally awake…

Sevi is awake.

Nevertheless | ✓Where stories live. Discover now