72:

2 0 0
                                    

72. Matapos mawalan ng malay ni Sevi noon mabilis siyang nilapitan ng mga Hokiyan dahil ramdam kong pumipintig pa ang mga pulso niya. Nabigyan ako ng pag-asang mabubuhay pa siya kaya labis ang saya ko habang nakatingin sa katawan niyang bitbit ng mga hokiyan para isugod sa Hospital.

Pero dahil sa sayang nararamdaman ay nawala sa isip kong mayroon pa palang nag-iisang tao na gustong pumátay sa akin sa loob ng Hokiya. Dinig ang sigawan ng mga manonood pero ang mas nangibabaw ay ang tinig ni Shanaya na isinisigaw ang pangalan ko.

Akmang titignan ko kung ano ang kaguluhang nangyayari sa likuran ko pero mabilis pa sa isang segundong nakadinig ako ng isang malakas na putok ng báril at kasunod noon ay ang pagbagsak ng walang malay na katawan ng kaibigan ko.

Sinalo niya ang balang sa akin dapat pupunta.

Sa bilis at gulat ko dahil sa pangyayari ay hindi ko na nahabol ang lalaking gumawa noon sa kaniya dahil ang atensyon ko lamang ay nakatutok kay Shanaya na ngayon ay wala na.

Dahil sa noo niya mismo tumama ang bala.

Namátay siya dahil sa katángahan ko.

Kaya hanggang ngayon ay sarili ko ang sinisisi ko sa pagkawala niya.

Hanggang sa nabalitaan ko na lang na na-coma si Sevi at hindi raw sigurado kung magigising pa siya dahil aparato na lang ang nagsisilbing makina para mabuhay siya kaya hindi na ako umasa pa.

Pero matapos ang dalawang taon niyang nakaratay sa kama, himalang nabuhay siya.

Mula rin noon nawalan na ako ng balita sa lalaking nagtangka sa buhay ko kaya hanggang ngayon ay buhay pa ito at hindi ko pa siya nahahanap. Iginugol ko ang dalawang taong iyon sa paninisi sa sarili at paghahanap para mabayaran niya ang ginawa niya pero nawalan na ako ng pag-asa dahil ni anino niya ay wala.

Nevertheless | ✓Where stories live. Discover now