88:

1 0 0
                                    

88. “Dalawa lang ang kuwarto, isa sa’min at isa sa-“

“Sa’n ka pupunta?” natigilan si mama nang makitang papasok si Sevi sa isang kwarto bitbit ang mga gamit namin.

“In our room po,” magalang niyang saad kaya umarko ang kilay ng nanay ko.

“Anong in our room? Kaibigan ka lang diba? Diyan ka sa sala.” Natawa ako sa reaksyon ni Sev dahil bagsak balikat nitong ibinaba ang mga gamit niya’t tinitigan ang mahabang upuan na gawa sa kahoy. Wala kaming sofa kaya iyon ang tutulugan niya ngayong gabi.

“Aren’t you too harsh on him?” Tanong ko kay mama. Mataray akong tinignan nito.

“Bakit? San ka nakakita ng magkaibigang nagsasama sa isang kuwarto?“ Napa-awang ang bibig ko’t hindi nakapagsalita.

“Grabeng pagkakaibigan ‘yan ha. Malalim pa relasyon niyo sa’min ng tatay mo,” namumulang napayuko ako dahil sa kahihiyan. Sinasabi ko na nga bang maling dinala ko rito ang lalaking iyon eh.

“Halina kayo’t kumain, hindi grasya ang lalapit sa inyo,” nauna siyang pumunta sa dining kasunod ang mga kapatid ko. Pinuntahan ko si Sev na abala sa pag-aayos ng gamit niya’t tinapik siya.

“Ano? Uuwi ka na?” Umiling ito kaya napabuntong hininga na lang ako. Tibay nitong taong ‘to, ewan ko na lang kung aabot pa ng tatlong araw ‘to.

-

“Kumusta pala ang asawa mo? Bakit hindi siya ang dinala mo rito? Alam ba niyang ibang lalaki ang kasama mo?” Napa-ismid ako sa tanong ni mama dahil bigla itong nagsalita matapos ang ilang minutong katahimikan. Iba pa ang kaniyang tono’t alam kong sinadya niya itong iparinig kay Sevi na ngayon ay nag-aalangang kumain dahil hindi niya ata gusto ang ulam.

Kinuha ko ang tubig at uminom, “He’s-“

“Hindi mo ba gusto ang ulam, Seviro?” Baling niya kay Sevi. Tipid itong ngumiti sa kaniya at umiling.

“No, I like it po,” saad niya kahit bakas sa mukha ang nerbyos at pagsisinungaling niya.

“Don’t you have a spoon and fork here?” Bulong niyang saad pero narinig iyon ng nanay ko. Nakita niya kasing nagkakamay lamang ito maging ang mga kapatid ko.

“Alam mo naman kasing probinsya ang pupuntahan ng anak ko, sumama ka pa. Anak mayaman ka, hindi ba? Hindi ka bagay rito.”

Mahina kong sinipa ang paa ni mama sa ilalim ng mesa at pinandilatan siya ng mata pero inirapan lang ako nito.

Umurong ako ng kakaunti kay Sevi at nagsandok ng kanin. Nilagyan ko ito ng tuyo, okra, at kamatis bago ilapag iyon sa harap niya.

“What’s that?” Mahina niya muling tanong.

“Dried salted fish,” turan ko sa tuyo. Magsasalita na sana siya nang isalpak ko iyon nang buo sa bunganga niya. Akmang iluluwa niya iyon kaya pinandilatan ko siya ng mata.

“Pag ‘yan niluwa mo, pauuwiin kita.” Unti-unti niya iyong nginuya at napa-ngiwi dahil sa alat nito. Kahit naman ako hindi iyon kayang isubo nang isahan sa sobrang alat.

“Masarap?” Taas kilay kong tanong. Tumango ito kahit na halata namang hindi niya iyon gusto kaya binalingan ko ang nanay kong abala sa pagkain.

“Ma, oh. Matabang daw ang tuyong ginawa mo.”

Nevertheless | ✓Where stories live. Discover now