29

1 1 0
                                    

29. “Are you still mad?” Nakarating na lang kami sa pamamahay niya ay hindi pa rin ako nagsasalita. Ilang beses na siyang tanong nang tanong kaya lalong nadadagdagan ang init ng ulo ko.

“Wife.”

“Can you just stop talking, Sevi? Ayoko munang marinig ang boses mo, lalo akong naiirita sa ‘yo,” padabog kong sinara ang kotse at pumasok sa loob. Binati kami ng mga katulong niya pero hindi ko ang mga ito pinansin dahil pati sa kanila ay naiinis ako nang hindi ko alam.

Dumiretso ako sa kwarto ko at malakas na isinara ang pinto. Sumalampak ako sa kama at hinilot ang sentido dahil nakaramdam ako ng hilo bigla. Kinuha ko ang tubig sa side table at isahang ininom iyon dahil para akong natuyuan ng laway katatahimik sa byahe kanina.

Nakakainis talaga ang taong ‘yon, hindi manlang ako sinundan!

Hindi ko inaasahan na sundan niya ako para suyuin dahil wala namang namamagitan sa amin.

Ang kinaiinisan ko lang ay hinahayaan niyang sumama ang loob ko sa kaniya ngayong alam niya namang buntis ako. Paano kung may mangyari sa anak ko?

‘Yun lang ang rason.

Tumayo ako para kumuha ng damit dahil gabi na’t kailangan ko ng matulog nang marinig ang pagpihit ng doorknob ng kwarto ko kaya nilingon ko ito.

“You should eat before you sleep,” saad ni Sevi habang may bitbit na isang tray laman ang isang plato ng pagkain at isang gatas.

“I don’t have an appetite, get out,” malamig kong saad habang hinahanap ang pantulog na susuotin. Nang mahanap ito ay agad kong isinara ang closet at tumalikod pero nagulat ako nang makitang nasa harap ko na si Sevi at walang emosyong nakatingin sa akin.

“I can not sleep peacefully if we stay like this. Please talk to me first, Celestine. Tell me what you want me to do, gagawin ko lahat kahit anong gusto mo,” unti-unti siyang humakbang kaya napa-atras ako.

“Umalis ka sa harap ko’t huwag nang magpakita pa sa’kin, ayokong makita ang pagmumukha mo,” rekta kong saad na ikina-iling nito. Natigilan ako nang maramdamang wala na akong ma-aatrasan habang siya ay tuloy pa rin ang paglapit sa akin.

“Except for that one,” iniharang niya ang dalawang kamay sa magkabilaan kong gilid nang akmang tatakasan ko ito kaya hindi natuloy ang plano ko. “I will quit as an actor if you want. Just tell me.“

“Why would you? Sino ba ako para pigilan ka sa mga ginagawa mo?” Wala naman akong karapatang pagbawalan siya sa mga bagay na gusto niya.

“Because you’re my wife-“

“In contract.” Mabilis kong tugon at mapaklang natawa.

“I can’t even understand why you’re acting like this, Sevi.” Naguguluhan kong saad dahil hindi naman siya ganito kung umakto noong unang araw ko rito.

Malamig pa sa malamig ang pakikitungo niya sa ‘kin kung tutuusin.

“It’s because-“ hindi niya itinuloy ang sasabihin nang madako ang tingin ko sa mga labi niya. Agad na pumintig nang mabilis ang puso ko kaya iniwas ko ang tingin rito pero hinawakan niya ang baba ko para muling iharap sa kaniya.

Stop, for Pete’s sake. His lips are tempting me.

Napalunok ako nang muli kong matitigan ang mapupulang labi nito. Iniwas kong muli ang tingin at pilit na itinuon ang atensyon sa mga mata niya pero tila nagkakandarapa na ang mga paru-paro sa tiyan ko nang mahuling nakatitig na rin ito sa mga labi ko.

“S-stay away.” marahan kong saad nang makaramdam ng pag-iinit sa katawan ko. Ilang beses kong pinipigilan ang sariling hindi mag-isip ng kung ano dahil buntis ako at hindi naman kami tunay na mag-asawa para gawin ang bagay na hindi naman namin dapat gawin.

Hindi niya ako pinansin dahil sa halip na lumayo ay lalo pa itong lumapit sa akin. Ilang beses akong napakurap nang dahan-dahan siyang tumingin sa akin gamit ang mapupungay niyang mata kaya muling nagwala ang tibok ng puso ko.

You’re still mad, Celestine. Don’t let your temptations engulf you.

“I’m sorry for thinking how sweet those are,” malalim niyang turan sa mga labi ko habang mariing nakatitig dito kaya hindi inaasahang nakagat ko ang ibaba nito.

Sh*t.

I was stunned when he slowly leaned at me while intently staring at my lips. He stepped closer and closer ‘til the spaces between us were only a few inches to the point I could feel his deep breath on my skin.

“S-sevi…” I stammered as he cupped my face. He looked at me sedúctive and patiently as if he was asking for my permission so I couldn’t do anything but close my eyes.

God, forgive me. I could not even refuse to him because the sensation inside me was getting and getting stronger.

At aminin ko man o hindi, alam ko sa sarili kong gustung-gusto ko rin ang ginagawa niya.

I could feel he came closer to me when I felt his deep breath even more causing me to feel goosebumps until I suddenly felt nauseóus.

Ramdam kong natigilan si Sevi kaya napamulat ako ng mata nang muli nanaman akong maduwal kaya itinulak ko siya at mabilis na tumakbo sa cr. Hinagod niya ang likod ko habang pilit kong isinusukà ang umiikot sa tiyan ko hanggang sa maubos ito kaya malakas akong kumuha ng hangin.

“Are you okay? Let’s go to the hospital.” Nag-aalalang saad ng lalaki sa likod kaya napatingin ako rito. Nang bumalik sa isipan ko ang bagay na hindi namin naituloy kanina ay nag-iwas ako ng tingin dahil ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko.

Nevertheless | ✓Where stories live. Discover now