50:

1 0 0
                                    

50. “W-what…” hindi ko maituloy ang sasabihin dahil hindi ako makapaniwalang makita ang taong hindi inaasahan sa harap ko.

“Surprise! Nice to see you again, sissy,” humagikgik siya na para bang noong unang pa lang kaming nagkakilala at lumapit sa direksyon ko. Nanginginig kong hinigpitan ang hawak na patalim sa likod dahil tila hindi ko na kayang ituloy ang planong patáyin ito.

Shanaya was my sister and best friend for a long time.

“Did you like my gift? Matagal ko nang pinaplano ito,” nawala ang ngiti niya at mariing hinawakan ang magkabilaang pisngi ko. Ramdam ko ang hapdi nito sa mahabang kuko na bumaon sa balat ko kaya napangiwi ako.

“W-what did I do?” Utal kong saad habang nakatitig sa mga malalamig niyang mata.

“It is all because of you,” mas lalo niyang hinihpitan ang pagkakahawak sa pisngi ko, “hindi naman ito mangyayari kung hindi lang dahil sa katángahan mo.”

Tinalikuran niya ako’t umupo sa isang silya sa tapat ko at ipinagkrus ang mga paa.

“You’re the f*cking reason why I’m like this, kung hindi mo lang pinakasalan ang lalaking matagal ko nang gusto ay hindi ko sana idadamay pati ang sanggol na nasa sinapupunan mo.” Bakas ang galit sa mga mata kaya malungkot ko siyang tinignan.

Hindi ko matanggap ang lahat dahil malaki ang tiwala ko sa kaniya at malaking kawalan sa akin ang pinagbago niya.

“Why are you doing this?”

“Don’t you really know, Celestine? O sinadya mo lang talagang agawin si Sevi sa akin?”

“What?”

“You’re such a f*cking useless,” sinuklay niya ang buhok at irita akong tinignan.

“Akala ko ibang tao ang pinakasalan mo kaya noong una naging masaya ako para sa ‘yo matapos kong malaman na ikinasal ka na…” unti-unting nangilid ang luha niya kaya iniwas ko ang tingin dahil nasasaktan akong makita siyang ganito.

“Pero mula noong lumabas sa midya ang press conference niyo ni Sevi ay doon nagsimula ang galit ko.”

“Don’t you know how much I adore him? Hindi mo ba alam kung ilang oras akong naghihintay ng mahabang pila makabili lang ng ticket para sa concert niya? Alam mo bang araw-araw kong sinusubaybayan ang mga palabas niya? At alam mo rin bang matagal ko na siyang gusto, Celestine? You don’t know all of that dahil hindi naman talaga tunay na kaibigan ang turing mo sa akin… you don’t even know how much I suffered alone dahil hindi mo naman ako tinatanong kung ayos lang ba ako…” She wiped her tears and glared at me.

Ibang iba na siya dahil hindi siya ang Shanaya na kilala ko.

“T-that’s not tru-“

“It is f*cking true because all this f*cking time you’re just using me!”

“Lagi na lang sayo napupunta ang lahat. Tanginá paano naman ako?” Muli siyang tumayo at mahigpit na hinila ang buhok ko.

“You’re the reason why I became Deáthale. Ikaw ang dahilan kung bakit ako natutong pumátay kaya ikaw ang may kasalanan kung bakit pati anak mo ay nadamay,” I was stunned when she took her katana and pointed it to my neck. Ilang beses akong napalunok dahil hindi ko alam ang gagawin ko. Gusto kong magalit pero pinangungunahan ng kirot ang dibdib ko.

Sa loob ng dalawampung taon ganito pala ang tingin niya sa akin, na isa lang akong manggagamit sa kaniya.

“Sevi doesn’t really love you anyway, so it is better for you to dié. Sa ganoong paraan wala na akong kahati sa pagmamahal ng lalaking matagal ko nang gusto. Ako lang ang may karapatang mahalin at pakasalan siya at hindi ang babaeng katulad mo na wala namang ginawa kundi bigyan siya ng problema. Wala kang kwentá, Celestine… Isa ka lang din sa mga inuuto at ginagamit niya.”

Nevertheless | ✓Where stories live. Discover now