74:

2 0 0
                                    

74. “Basta mag-iingat ka, if you need help or anything just call me,” maluha-luhang saad ni Elion habang hawak ang tissue na nakadampi sa ilalim ng kaniyang mga mata. Irita akong tumango dahil sa kadramahan niya.

“You’re getting more u*ly when you cry. Kung makadrama akala mo mamatáy na ako,” inirapan ko ito pero lalo lang siyang ngumawa kaya pinagtitinginan kami ng mga taong narito sa airport.

Napamura tuloy ako dahil aka isipin ng lahat binusted ko ang isang ‘to.

Matapos magpaalam sa kaniya ay tuluyan ko siyang tinalikuran kahit na malakas niya pa rin tinatawag ang pangalan ko. Napangiwi ako dahil sa kahihiyan.

Parang gusto ko tuloy na isigaw na hindi ko siya kilala at may naligaw lang na báliw rito.

Pagkapasok sa eroplano ay agad kong hinanap ang upuan. Hindi ako nahirapan pa dahil malapit lang ito kaya pasalampak akong umupo. Wala akong dalang kahit na anong gamit bukod sa isang maliit na bag. Dati na akong tumira roon kaya naroon lang ang mga iniwan kong damit.

Ilang minuto pa ay tuluyan nang napuno ng mga pasahero ang loob kaya nagsimula nang magsalita ang cabin kung ano ang mga dapat at hindi dapat gawin pero natigilan ang lahat nang makarinig kami ng malakas na kalabog sa unahang parte ng eroplano.

Sa cockpit, kung nasaan ang mga piloto.

Dinig ang sigawan ng mga taong naroon pero hindi ko madinig nang maayos kung ano ang pinagkakaguluhan ng mga ito kaya dala ng kuryosidad ay lumapit ako.

“Sir, we need to leave now. It’s almost time,” saad ng isang piloto sa katabi niya na tingin ko ay ang magmamaneho mismo pero hindi siya nito pinansin at nanatiling walang imik ang lalaki habang nakatingin sa harap. Hindi ko maaninag ang mukha nito dahil bukod sa nakatalikod ito ay mayroon din siyang suot na isang headset.

“Sir,” muling pilit nu’ng isa. Pati ang mga pasahero ay sinisigawan na siya pero wala itong paki-alam sa mga naririnig niya.

Alas otso ang flight namin pero lumagpas na ng limang minuto ay hindi pa rin niya pina-aandar ang eroplano kaya sa irita ay nakigitgit ako sa mga tao at lumapit mismo sa direksyon nito.

“We’re f*cking late, what the f*ck is wrong with you?” Galit kong saad sa likuran niya. Tila nanigas ito nang marinig ang boses ko pero maya-maya pa ay bumalik ito sa wisyo at nagsalita.

“I can’t let my wife leave me without a trace again,” malamig niyang saad. Pamilyar ang boses kaya kumunot ang noo ko. Maya-maya pa ay walang emosyon itong tumingin sa gawi ko kaya natigilan ako.

“We haven’t found the person who wanted to k*ll you yet, so you couldn’t leave without my permission, Celestine…”

“Or else I will start this plane and get ready to ‘crash’ it off,” ngising aniya kaya napamura ako.

Tángina.

Bakit narito si Seviro?

Nevertheless | ✓Where stories live. Discover now