70:

2 0 0
                                    

70. I silently cry while staring at the tombstone in front of me.

Nagsisisi ako sa lahat ng ginawa ko.

Humikbi ako nang humikbi hanggang sa wala nang mga luhang lumalabas sa mga mata ko. Ilang beses akong humingi ng tawad sa harap ng lapida niya dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matanggap na wala na siya.

“I-I’m really really s-sorry,” hagulgol kong saad habang nakatingin sa mga litrato naming dalawa.

Kasalanan ko ang lahat. Kung hindi lang ako nagpalamon ng galit ay wala sanang mamamátay. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman sa halu-halong emosyon na nagpapabigat sa dibdib ko.

Kung puwede lang ibalik ang lahat ay gagawin ko.

Kung p’wedeng mamiling ako na lang ang mámatay ay makikipag palit ako.

Ilang beses kong hinámpas ang dibdib ko sa paninikip nito dahil sa sakit ng nararamdaman. Wala na ang lahat sa akin, naiwan nanaman akong mag-isa.

“I-it is all my fault…” tulala kong saad sa pangalang nakaukit sa lapida niya.

“P-please come back… I p-promise I won’t l-leave you again…” pagmamakaawa ko rito kahit alam kong hindi ko naman na mababalik ang lahat.

“I-ikaw na lang ang n-natitirang s-sakin… bakit m-mo ginawa i-iyon?”

“B-bakit mo ako i-iniwan?” Napatingin ako sa langit nang biglang bumuhos ang malakas na ulan at tila nakikiramay sa nararamdaman ko. Muling bumuhos ang mga luha ko nang maramdaman ang lamig sa katawan kaya napayakap ako sa sarili habang nakayakap sa mga tuhod at malungkot na tumingin sa kaniya.

“P-please come back… I-I beg you…” I let the heavy rain soak me as if it was the only way to comfort myself. I looked at the peaceful sky and stared at the only star shining in the middle of the night.

If that star is you, please come back.

It shone even more brightly causing my tears to dripped down from my swollen eyes.

It’s been two years since that incident, but it feels like it just happened yesterday.

Everything is still fresh to me.

If someone would grant me a wish, mas pipiliin ko na lang na hilinging mabuhay siyang ulit kahit na buhay ko na lang ang kapalit.

Nevertheless | ✓Where stories live. Discover now