Epilogue:

1 1 0
                                    

99. Our Last Chapter

“Ready?” Mayabang na tanong sa akin ng asawa ko suot ang purong itim na damit at helmet niya sakay ng isang malaking motorsiklo.

Nginisihan ko ito bago ko ibinaba ang salamin ng helmet kong suot at binombá nang malakas ang motor. Agad niyang pinaharurot ang sinasakyan niya kaya napamurá ako dahil wala pang hudyat para simulan namin ang karera.

“That was unfair!” Saad ko sa earpiece na suot. Dinig ko ang pagtawa nito sa kabilang linya kaya inis kong iminaobra ang sinasakyan ko para sundan siya.

May bago kaming misyon ngayon mula sa Hokiya. At gaya ng nakagawian, kung sino ang mauuna ay sa kaniya iyon nakatoka.

“Better luck next time, honey,” nang-aasar niyang saad kaya lalo kong pinaharurot ang sasakyan.

Lumiko ako sa eskinita para magshort cut ng daan at hindi nga ako nabigo nang makita sa tracker ang lokasyon ni Sevi. Nasa likuran ko na ngayon ito kaya mayabang ko siyang nilingon.

“Sa kama ka lang ba magaling?” Pang-uuyam ko habang nakatingin nang pilyo sa kaniya kahit alam kong hindi niya iyon makikita dahil tinted ang suot kong helmet.

“You cheáted.“

“There’s no rule in this game, Seviro. Did you forget I can’t play without cheáting?”

I remembered that line from Shanaya kaya napangiti ako.

I missed that woman.

Hindi na kaming muli nagkita ng kambal niya kaya wala na akong balita pa roon.

“7 kilometers away from the target,” biglaang saad ni Vico, ang kanang kamay ni Sevi, sa kabilang linya. Napatingin ako sa lokasyon at tama nga siya.

Mas binilisan pa ni Seviro ang pagmamaneho kaya pumantay na kaming dalawa. Tinignan ako nito bago niya ako iwang mag-isa dahil kahit anong pihit ko sa manibela ay alam kong hindi ko siya mauunahan.

Mas mabilis ang motor niya.

Naghanap ulit ako ng daan kung saan pwedeng mas malapit na dumaan pero masiyado nang maliliit ang mga eskinita kaya tiyak na maiistranded lang ako kapag pinilit kong sumuksok dito.

“Where are you?” Tanong ko.

“3 o’clock,” kita ko ngang lumiko ito pagawing kanan kaya sumunod ako.

Abandunadong bahay ang pupuntahan namin. Ang lugar kung nasaan kami ngayon ay isang village na matagal na ring hindi tinitirahan ng mga tao dahil sa kasong hawak namin ngayon.

Ano ang kaso? Hindi rin namin alam. Kaya mabigat ang isang ‘to dahil walang sinabi kung ano ang kasalanang ginawa ng taong ito sa likod ng lahat. Basta ang kailangan lang naming gawin ay hulihin ang taong iyon at ang gobyerno na ang bahala sa iba.

“I’m almost there, honey,” muling saad ni Sevi sa kabilang linya kaya mahina akong napamurá.

“Kapag ako natalo, hindi tayo magtatabing matulog mamayang gabi,” babala ko rito kaya kita ko ang pagpreno niya sa ‘di kalayuan at tumingin sa gawi ko. Dinig ko ang pagtikhim ni Vico na nakalimutan kong naririnig din pala kami pero hindi ko iyon pinansin.

“That was not fair!”

Nagkibit balikat ako, “Try me, Seviro.”

Nang makapantay sa kaniya ay ilang beses itong nagreklamo sa sinabi ko pero nilampasan ko lamang ito dahil napako ang tingin ko sa isang bahay na nasusunog ngayon. Ang bahay na sadya naming pupuntahan.

May nauna bang tao rito bukod sa amin?

Nang makarating sa destinasyon ay agad akong bumaba sa motorsiklo at tinanggal ang helmet na suot. Maya-maya pa ay nakarating na rin si Seviro at tumabi sa akin habang nakakunot din ang noo sa bahay na tinitignan ko.

“May iba pa bang narito?” Tanong ni Seviro kay Vico.

“No, king. There’s no other body detected.”

“Why is the targeted location on fire?”

“No data found, Queen.”

Seryoso kong tinignan si Sevi, “Could someone use a non-tracker device to hide their identity?” I asked. Imposibleng walang ibang taong naririto bukod sa amin dahil hindi naman ito masusunog nang kusa. Tumango si Sevi na tila sumang-ayon sa sinabi ko.

“Possible.”

Agad nadako ang tingin namin sa nasusunog na bahay nang biglang may kumalabog sa pinto nito dahilan para tumalsik ito sa isang direksyon. Nagulat ako nang lumabas ang taong may gawa no’n habang hatak-hatak ang lalaking nakaposas at puno ng pasa sa katawan na tila binugbóg muna. May malaking black eye ito sa magkabilaang mata kaya napangiwi ako.

Tumingin ang lalaking nakaposas sa amin kaya lumiwanag ang mukha nito, “Help-“

“Shut up!” Galit na sigaw ng taong may hawak sa kaniya kaya tila naging maamo ito at takot na yumuko.

“Oh! Hi, mommy and daddy!” Masayang saad ng anak ko nang makita kami habang hatak-hatak ang laylayan ng damit ng nakaposas na lalaki.

Ang tatlong taong gulang kong anak ang humuli sa kriminál na kami dapat ang gagawa.

Mahigpit pa ang yakap nito sa paborito niyang teddy bear sa kaliwang kamay habang may lollipop na nakasubo sa bunganga.

Babae ang anak namin pero hindi iyon matanggap ni Sevi kaya tinrato niya na parang lalaki si Amari. Suot nanaman nito ngayon ang malaking t-shirt at panlalaking short na iniregalo sa kaniya ng ama niya habang baliktad ang sumbrerong nakasabit sa kaniyang ulo.

“I already caught him, you’re so slow kasi,” maarte niyang saad.

Tumalim ang tingin ko kay Seviro nang marinig ang sinabi ng anak ko.

“I told you not to introduce the Hokiya to her because she’s too young. Tignan mo may panibago tayong kahati sa misyon ngayon!”

“Look, mom! I even gave him two black eyes so he would look like my favorite animál! A panda!”

----

I'm Celestine Saitanaia Vreciello- Ferrietèro and this is my husband Yuri Seviro Ferrietèro we are signing off.

-The End-

Nevertheless | ✓Where stories live. Discover now