27:

1 1 0
                                    

27. “And… cut! 10 minutes break and get ready for the next scene!” Sigaw ng direktor matapos ang huling eksena nila Sevi. Narito ako ngayon, buryung-buryo kanonood ng boring nilang taping habang naka-upo sa isang silya. Romance Drama ang palabas niya kaya halos matagal-tagal na akong naghihintay ng oras. Si Sevi and male lead habang ang female ay isa rin sa mga sikat na artista. Si Zhea.

“Are you hungry?” Tanong ni Sevi nang lapitan ako nito.

“Can I just go home? Ang boring dito,” iritable kong saad at hindi pinansin ang tanong niya.

“No.” Agad niyang sagot. Napa-ikot na lang ako ng mata dahil hindi naman magbabago ang isip niya kahit na anong pilit ko sa kaniya.

“By the way, our next scene is the kíssing scene.” Imporma niya na’t hinihintay ang magiging reaksyon ko.

“So?“

“Wala lang, I’m just asking for your permission.”

“Permisyon para sa’n?”

“Permission if I’m allowed to kíss Zhea.” Napakunot ang noo ko.

“Bakit ka nagpapaalam? Wala naman akong pakialam kahit ilang babae pa ang halikán mo sa harap ko.” Napangisi siya sa sinabi ko.

“I’m just telling. Baka kasi magselos ka,” pilyo niyang saad na tila ba nang-aasar kaya humalukipkip ako.

“Ako? Magseselos? Ba’t sino ka ba? Boyfriend ba kita?” Mahina lang itong natawa sa sinabi ko at umiling. Matapos ang sampung minuto ay muli silang tinawag ng direktor kaya nagpaalam na ito.

Inis akong napahawi ng buhok dahil biglang humarang ang ilang hibla nito sa mukha ko. Hindi ko alam kung bakit ako iritable kay Sevi ngayong nanonood lang naman ako sa kanila.

Sevi is sedúctively looking at Zhea while his hands are wandering in every part of Zhea’s body.

Kinuha ko ang tubig para kumalma pero lalo lang akong nairita nang sabik niyang hinálikán ang babae na tila wala nang bukas. Napakuyom ako ng kamao. Bakit kailangang ganoon siya tumitig sa babae? Hindi naman siya ganiyan kung tumitig sa akin!

‘Yung titig na tila ba matagal na silang hindi nagkikita at sabik na sabik.

Maya-maya pa dahan-dahang binuhat ni Sevi ang babae para paupuin sa lamesa at muling ipinagpatuloy ang ginagawa nila. Matalim ko siyang tinignan dahil hindi na talaga ako natutuwa sa nakikita ko.

Akting lang naman ito, pero bakit totoo ang mga emosyon na nakikita ko?

Matapos ang ilang minuto, muling binuhat ni Sevi ang babae at inihiga iyon sa kama kaya napatayo ako.

Akala ko ba kíssing scene lang?!

Tila napuno na ako dahil parang nagsi-akyatan ang lahat ng dugó ko sa ulo at namula ang mukha ko nang makitang gustung-gusto rin ng babae ang ginagawa sa kaniya ng asawa ko.

“Tángína cut!” Hindi pa man sila natatapos ay ako na ang sumigaw. Natigil ang mga ito sa ginagawa nila at nagtatakang tumingin sa akin. Tinignan ko lang nang masama si Sevi bago lumipat ang tingin sa direktor.

“Ba’t antagal mong i-cut?! Akala ko ba kíssing scene lang?! Bakit may pa-káma pa kayo?!”

Nevertheless | ✓Where stories live. Discover now