20:

2 1 0
                                    

20. “Sino ba ang mga ‘yon?” Balisa ko pa ring tanong habang nakabalot sa kumot at nakayakap sa mga tuhod ko. Narito kami sa isa sa mga bahay na pagmamay-ari ni Sevi malayo sa mansyon niya pero hindi pa rin ako mapakali sa takot na pasukin nanaman kami.

Umupo siya sa harap ko bitbit ang isang tasa ng gatas. “Let’s talk about this tomorrow, you need to rest.” Tinignan ko siya.

“I want to talk about it now. Who are they? Bakit napakadali lang sa kanilang pumatáy ng tao?”

He inspected me before started to talk. “They are Hokiyans, and they’re looking for you to k*ll and use you as my weakness.” Tila hindi mabilis na rumihestro sa utak ko ang sinabi niya kaya natulala ako bago magsalita.

“What? Hokiyans?”

“Iyon ang tawag sa mga taong parte ng Hokiya Clan. Hokiya Clan is an underground society where k*lling people is legal.” I was stunned by what he said and looked at him in disbelief. Umiling ako at pinipilit ang sarili na hindi maniwala sa sinabi niya.

“No, you’re just kidding me. Those aren’t true. It’s not time to joke around, Sevi. It’s not funny,” blanko kong saad habang nakatingin nang malamig sa kaniya.

“I’m telling you the truth,” muling lumambot ang tingin niya sa akin. “Hinahanap ka nila para gawing banta sa akin. Gusto nilang kunin ka sa’kin dahil alam nilang magmamakaawa ako sa kanila para bawiin ka… because they thought-“ tumigil siya bago ipagpatuloy ang pagsasalita. “I really love you.”

Nag-iwas ako ng tingin sa huli niyang sinabi bago pekeng umubo.

“What are they? Mafiás or something?” Pabiro kong saad dahil hindi talaga ako naniniwala sa sinasabi niya. Sa libro lang may ganoon.

“No, Hokiyans are more dangerous than Mafiás.”

Nevertheless | ✓Where stories live. Discover now