59:

1 0 0
                                    

59. Makikita sa video kung paanong walang awang pinagsasáksak ng mga taong nakamaskara ang mga magulang ni Aevia gamit ang mga matutulis na sanga. Masiyadong marami ang bilang ng mga ito kaya kahit na lumaban si Vercelo ay hindi sila maka-aalis ng buhay pa.

Matapos pagtulungan ang katawan ng mag-asawa ay inilagay ang kanilang mga walang malay na bangkáy sa loob ng kanilang sasakyan at itinulak ito sa gilid ng kalsada kung saan maaaring mamátay ang sinumang mahuhulog dito.

Nag-akyatan ang dugo sa ulo ni Aevia matapos mapanood ang sinapit ng mga magulang niya. Nalaman niyang isa rin sa mga Hokiyan ang mga pulis na nag-imbestiga kina Vercelo at Eve kaya madaling natakpan ang kaso ng mga ito, maging ang lalaking pumunta sa bahay nila noon ay isa ring Hokiyan kaya labis siyang nakaramdam ng galit.

Tila gusto niyang patáyin at ubusin ang lahat ng mga ito.

“Send me the information about this Grave and find out where their hideout is located,” malamig niyang saad sa kaibigan.

“What are you planning to do?” Alam niyang may binabalak ito ngayong nalaman niya na ang lahat ng tinatagong sikreto ng mga magulang niya.

“I will f*cking slice their f*cking heads off and crash it into f*cking pieces.”

-

Suot ang pulang mahabang hood na hanggang paa at pulang maskara habang hawak ang matalim na katana, pumasok si Aevia sa isang napakalaking tarangkahan at walang emosyong diretso lamang ang tingin sa harapan. Masakit sa tainga ang tunog ng katanang hila niya dahil gumagasgas ang matulis nitong patalim sa sahig dahilan para matuon sa kaniya ang atensyon ng lahat.

Dumiretso siya sa napakalaking entablado at iginala ang tingin para hanapin ang lalaking inaasahan niyang dumalo. Nang makita ito sa pinakasulok habang naka-upo sa isang silya ay nakakikilabot siyang ngumiti bago tignan ang sampung Hokiyan na naghihintay sa gagawin niya. Natigilan ang mga ito nang makita ang pulang mga mata ni Aevia.

Magsisimula ang laban kapag siya mismo ang sumugod sa kanila.

Isa itong pagsubok kung saan kailangan mong matalo ang ilalaban nila sa iyo para tuluyan kang makasali sa organisasyon nila.

Plano ni Aevia na hanapin ang mga taong pumatáy sa pamilya niya sa pamamagitan ng pagsali sa Hokiya.

Ilang minutong katahimikan ang bumalot sa lugar na kinaroroonan niya bago niya sinimulang maglakad tungo sa sampung Hokiyan. Hindi pa man tuluyang nakalalapit ay inihagis nito ang hawak na katana dahilan para mawalan ng buhay ang apat nang sabay-sabay at hinugot ang báril bago sunud-sunod na paputukan ang natitirang anim.

Sa bilis ng pangyayari ay natigilan ang lahat na tila hindi pa rumerehistro sa utak ng mga manonood ang nangyari. Ilang segundo ang nakalipas ay napasinghap ang mga ito sa napagtanto.

Ang kaninang sampung Hokiyan na mayabang na nakitingin sa kaniya, ngayon ay wala nang buhay na nakahandusay.

Napatayo ang lalaking kanina pa naka-upo silya. Umakyat ito sa entablado at walang emosyong tinitigan ang mga mata ni Aevia na ngayon ay itim na.

“Who are you?” Malamig na saad ng lalaki dahilan para mapangisi ang dalaga. Ngayong nakuha niya ang atensyon ng lalaking hinahanap niya ay tiyak niyang mas mapapadali ang lahat.

Lumapit si Aevia sa lalaki kaya na-alerto ang ilang hokiyan sa pag-aakalang baka patáyin nito ang Hari nila pero hindi iyon pinansin ni Aevia at mas lumapit pa.

Itinapat nito ang mukha sa tainga ng lalaki at malamig na nagsalita, “They call me deàth…”

Matamis at sarkastiko siyang tumawa bago bumulong, “But I want you to loudly moán my name and tell them it’s actually Deáthale.”

Nevertheless | ✓Where stories live. Discover now