32-34:

2 1 0
                                    

32. Kinuha ko ang punyál na nasa aking hita at walang ganang inihagis sa direksyon niya. Gusto ko na lang sanang magpahinga ngunit ayokong umatras dahil nagagalak akong maraming dugó nanaman ang makikita ko ngayong gabi.

Napasinghap ang ilan sa mabilis na pangyayari dahil ang kaninang lalaki na nakangisi ay wala nang malay habang nakatarak ang punyál sa kaniyang noo.

Agad na naalimpungatan ang labing siyam at sunud-sunod na sumugod sa 'kin kaya inilabas ko ang kataná at umikot dahilan para mapugután ng ulo ang ilan.

Siyam na lang ang natira. Umarko ang ngisi sa aking labi at ramdam ang pagpalit ng kulay ng aking mga mata kaya lalo akong nasasabik.

Tila nakita ng siyam ang kulay ng mga mata ko na ngayon ay naging kulay purong pula dahil bakas ang takot sa mga ito't napaatras.

"H-halimaw," naginginig na dinuro nito ang mukha ko kaya inihagis ko papunta sa kaniya ang katanáng hawak na sumakto naman sa kaniyang leeg at agresibo kong sinunggaban ng suntók ang isa pa habang hindi pa rin inaalis ang titig sa leeg ng isang lalaking walang sawang inaagusan ng masaganang dugó.

Malamig na tinignan ko ang sinuntók ko at sinakál ang leeg niya. Tila hindi nito inaasahan ang ginawa ko dahil nanlalaki ang mga mata nito habang takot na nakatingin sa akin at ini-angat siya sa ere. Dilat ang mga matang hindi na ito gumalaw ilang minuto ang nakalipas hudyat na patáy na siya kaya agad ko siyang binitawan at sinalo ang dalawang daggér na papunta sana sa aking noo.

Walang gana kong nilingon ang taong may-ari ng naghagis sa akin ng punyál at inihagis ito pabalik sa kaniya pero agad niya iyong nailagan.

Napangisi ako.

Mabilis ang galaw na kinuha ko ang dalawang shurikén mula sa aking binti na nakatago sa ilalim ng aking palda at inihagis ang isa sa kaniyang direksyon ngunit nailagan niya nanaman iyon kaya kasunod noon ay inihagis ko ulit ang isa pa na tila hindi niya naman na inaasahan kaya nadaplisan ang kaniyang pisngi dahilan para matumba siya sa sahig.

Napadaing ito sa sakit.

May lasón ang shurikén na iyon.

-----

33. Magaling ang isang ito't pinahihirapan pa ako.

Umagos mula rito ang kaniyang mga dugó kaya lalo akong napangisi. Hindi pa man ito nakatatayo ay nilakad ko ang distansya papunta sa kaniya at inapakan ang kaniyang mukha. Lalo siyang napagiit sa sakit at kahit ako ay napangiwi dahil sa aking takong na tumarák sa kaniyang sugat mismo.

Tanginá. Yung pinakamamahal kong sandalyas ay narumihan.

Tila sisilipin pa sana nito ang loob ng palda ko kaya itinaas ko ang isa ko pang suot na sandalyas at tinusók ang mahabang takong nito sa kaniyang pares ng mga mata.

"Pervért," malamig kong saad bago ko siya tinuluyan.

Ngayon ay nakapaa na lamang ako. Kainis.

Tumunog ang nakangingilong tunog galing sa mga speaker hudyat na tapos na ang limang minuto ngunit mayroon pang anim na Hokiyan ang natitira sa aking harapan.

"The battle ended. Please kíll those who remain standing," dinig kong saad ng boses babae mula sa mga speaker.

Based on what i've read, there's only one rule in this game.

May limang minuto lamang kami para tapusin ang laro, ngunit kapag natapos ang oras ng napag-usapan nang hindi pa natatapos ang laban ay kailangang patáyin ang dalawang magkalaban.

Sa puntong ito, kailangang patáyin kami dahil hindi nasunod ang nag-iisang rule.

Napangisi ako at inilibot ang tingin sa mga lalaking nakamaskara na itim mula sa itaas at nakatutok ang mga báril sa amin. Sa totoo lang, marami na akong napatáy sa loob ng ilang segundo lamang pero sinadya kong tagalan ang pagpatáy sa dalawampung ito dahil gusto kong makilala nila kung sino ako at gusto kong sulitin ang gabi.

It's better if the game has a thrill.

Tila hugis ring ang tinatayuan namin ngunit ang kaibahan nga lang ay hugis hexagon ito at mayroong ikalawang palapag na para lamang sa mga armádong Hokiyan na nakapalibot para panoorin ang nangyayari sa ibaba, kung saan ako nakatayo ngayon.

"You can't kíll me," malamig na saad ko. Dahil sa katahimikan ay alam kong dinig iyon ng lahat ng naririto. Tumingin ako sa isang cctv. Ngumisi ako dahil alam kong nanonood mula rito ang babaeng nag-utos kanina na patáyin ako.

"'Cause I am the déath.”

------

34. Mula sa lalaking nakahiga ay kinuha ko ang aking kataná at inihagis sa direksyon noong isang lalaki na nasa itaas. Nagulat ito dahil saktong nahati ang kaniyang mga kamay habang hawak ang isang bàril kaya mula sa kinatatayuan ay sinalo ko iyon gamit ang kanang kamay habang ang kaliwang kamay naman ay sinalo ang kataná.

Napahiyaw ang lalaki sa sakit nang makita ang mga dugong nagsisilabasan mula sa kaniyang putòl na mga kamay kaya't napunta sa kaniya ang atensyon ng lahat. Maraming napasinghap kaya ginamit ko ang pagkakataon na 'yon para barilín isa-isa ang mga lalaking may hawak ding báril bago inihagis ang kataná sa limang Hokiya na natira dahil pasimple sanang tatakas ang mga ito.

Sabay-sabay na bumagsak ang katawan ng anim kasama ang mga pug*t nitong mga ulo dahil nahiwá ang mga ito ng katanáng hinagis ko.

Sa loob ng ilang taon, hanggang ngayon ay tila bagong bago pa rin sa 'kin ang katanang iniregalo ng nanay ko dahil sa walang kupas nitong talim.

Lahat ay tila nawala sa sarili at nabakasan ng takot sa mga mukha. Kinuha kong muli ang kataná at pinunas ang mga bahid nitong dugó bago lumapit sa iisang lalaki na natira. Tulala ito at hindi makapaniwala sa nangyari.

“S-sino k-ka?” Takot niyang saad habang nakaduro sa mukha ko. Ngumisi ako at lumapit sa kinaroroonan nito.

Inilapit ko ang mukha sa tainga niya bago bumulong, “Deáthale,” malamig kong saad bago saksákin ang puso niya at isinuot ang pulang maskara. Kinuha ko ang helmet at sumakay sa motor tsaka ito pinaharurot dahil anong oras na.

Masayang magliwaliw kahit minsanan.

------
Note: Nakalimutan Kong lagyan kaya sinama ko na ang 33 at 34.

Nevertheless | ✓Where stories live. Discover now