51:

2 0 0
                                    

51. “Kaya ka siguro pinagsawaan ng asawa mo dahil wala naman siyang mapakikinabangan sa ‘yo,” humalakhak siya habang nakatutok pa rin ang katana niya sa leeg ko. Ramdam ko ang pagkirot ng ulo at pagod ko pero hindi ko ito ininda dahil tila mas masakit ang mga nalaman ko kay Shanaya.

“Let’s talk about this, please… Shanaya,” pagmamakaawa ko habang malungkot na tinignan siya.

“Wala tayong kailangang pag-usapan pa, Celestine. Dahil mamamatáy ka na rin naman lang,” tinalikuran niya ako’t kinuha ang báril sa isang lamesa bago iyon itinutok sa noo ko. Natigilan ako nang bigla niyang kalabitin ang gatilyó pero ilang segundo na ang nakalilipas ay wala pa ring bálang lumabas dito.

“Tángina,” mura niya nang makitang walang bala ang báril na hawak. Sa inis nito ay itinapon niya iyon sa kung saan at tinignan ako nang masama na tila ba kasalanan ko ang nangyari kaya lumapit siya sa akin at mas inilapit pa ang pagtutok ng katana sa leeg ko. Napapikit ako nang mariin nang maramdaman ang talim nito. Tinanggal ko ang takip ng patalim na hawak ko sa likod at hinintay ang pagkakataon na gamitin iyon sa kaniya.

Masakit para sa ‘kin na patáyin siya pero kung buhay ko ang kapalit, naiisin ko na lang na mamatáy nang lumalaban.

Ngumisi ito “Any last words?” Tanong niya pero hindi ako nagsalita at nanatiling nakatitig sa mga mata niya.

Something’s wrong. Ramdam ko iyon sa kaniya

Nang mapansing wala akong balak na magsalita ay humalukipkip siya’t nakakikilabot na ngumiti.

“Rest in peace, Saita-“

“Subukan mong iwan ng kahit na maliit na galos ang asawa ko, iyang katana mo mismo ang kikitíl ng buhay mo.”

Nevertheless | ✓Where stories live. Discover now