35:

3 1 0
                                    

35. CELESTINE’S POV

“Where have you been?!” Sigaw ni Sevi pagkapasok ko ng bahay. Galit itong nakatingin sa akin kaya napayuko ako.

“I just want to buy-“

Pinutol niya ang sinasabi ko, “Do you know how worried I am, Celestine?! Anong oras na lumalabas ka pa nang mag-isa alam mong nasa panganib ang buhay mo!”

Matapos niya kasing umalis ay bigla akong nagutom at natakam sa manok kaya lumabas ako ng mansyon para maghanap kung saan ako hahagilap. Alas dos na ng makauwi ako kaya hindi ko siya masisisi kung bakit ganito siya umakto.

Sino nga naman ba ang bibili ng manok sa ganitong oras?

“I’m sorry, I just suddenly craved for something,” paliwanag ko habang nilalaro ang mga daliri.

“You should have just called me to buy them for you. There are so many servants here, dapat sila na lang ang inutusan mo,” mahinahon niya nang saad habang nakapamulsang nakatingin sa akin. Nasa ibaba pa rin ang tingin ko dahil hindi ko alam kung bakit nangingilid ang mga luha ko.

“You’re busy. Tulog na ang mga katulong and I don’t want to disturb them, they’re tired.” Hinawakan ni Sevi ang baba ko para iharap ako sa kaniya. Nanlaki ang mga mata nito nang makita ang mga luha ko kaya napamurá siya’t pinunasan ito at ilang beses na humingi ng tawad.

“Where’s the food, then? Nakabili ka ba?” Saad niya nang tumigil sa pagluha ang mga mata ko habang hinahanap sa mga kamay ang pagkain na binili pero malungkot ko itong tinignan.

“W-wala akong nahanap. Sarado na ang lahat ng tindahan…” dismayado kong saad kaya napabuntong hininga ito.

“Ano bang gusto mo? Just wait here, I’ll buy it for you.” Kumislap ang mata ko sa narinig kaya malawak ang ngiti ko itong tinignan.

“Chicken. I want chicken,” sabik kong saad habang nakahawak sa laylayan ng damit niya.

Nagbago ang ekspresyon nito sa sinabi ko, “What? Chicken? You went outside just to find chicken?”

Tumango ako.

“What the- We have many stocks of chicken inside the fridge, Celestine! Bakit sa labas ka pa naghanap?!”

“Because they are all males and not female!”

Natigilan si Sevi sa sinabi ko at nagtatakang tinignan ako.

“What?”

“I want to eat a female chicken… a-ayoko ng lalaking manok…”

Nevertheless | ✓Where stories live. Discover now